Tagalog News: Pagamutang Probinsyal ng Ilocos Norte nagtataguyod ang patas na serbisyo

LUNGSOD NG LAOAG, Agosto 7 (PIA) — Nagpalabas ng direktiba kamakailan ang Pagamutang Probinsyal ng Ilocos Norte sa sa pagbibigay ng tama at patas na serbisyo para sa mga pasyente, base sa isang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan.

Ang ordinansa blg. 040-2011 ay naglalayong mapatupad ang mga alituntunin sa tamang trato, pagbabayad at pagbibigay ng sersbisyong-medikal sa mga pasyenteng tinatanggap sa pagamutan.

Ipinag-uutos ng nasabing ordinansa sa ‘patient’s advocate committee’ ng pagamutan ang pagsasagawa ng lektyur tungkol sa karapatan at kapakanan ng mga pasyente para sa kanilang sariling kaalaman.

Ipinag-utos din sa naturang komite ang pagsasagawa ng survey o ‘one-on-one interview’ sa mga pasyente para sa kanilang mga reklamo at hinaing ukol sa serbisyo ng nasabing pagamutan para sa mas madaliang pagbibigay ng solusyon.

Sinabi ni Dr. Roger Braceros, hepe ng pagamutang probinsyal, na kinakailangan ang pagsasagawa ng mga nasabing direktiba para sa patas na pagbibigay serbisyo sa kanilang mga pasyente.

Pinayuhan din ni Dr. Llewelyn Santos ang mga pasyente na sa ‘billing section’ lamang dapat makipag-ugnayan tungkol sa kanilang bayarin upang maiwasan ang posibilidad ng pang-aabuso at pandaraya.

Ang Pagamutang Probinsyal ng Ilocos Norte ay kilala din sa tawag na Gov. Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital. (ANL/CDG-PIA 1 Ilocos Norte)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s