Dahil sa RA 7171, nararamdaman ng mga taga- bundok sa Ilocos Sur ang progreso

SUYO, Ilocos Sur, Aug. 8 (PIA) — Ang liblib na bayang ito na nasa kabundukan sa Ilocos Sur ay hindi pinababayaan ng pamahalaan dahil tuloy-tuloy ang mga serbisyo at programang tinatamasa ng mga mamamayan dito dahil na rin sa tulong ng buwis mula sa tabako.

Ayon kay Mayor Samuel Subagan Jr, nabibiyayaan ang mga kababayan niya sa mga proyekto ng gobyerno mula sa pundo na nanggaling sa RA 7171 o “ Tobacco Excise Tax Law” na umaabot ng P18 milyon bawat taon ang natatanggap ng munisipyo.

Ang kalahating municipal share na umabot ng P9 na milyon ay nakalaan dito ang 10 porsyento para sa mga magsasaka na pagtatanim ng tabakong birhinya, paliwanag ni Mayor Subagan.

Base sa ordinansa na inaprobahan ng Sangguniang Bayan, nailaan ang P1.5 milyon para sa mga kagamitan sa pagtatanim at P1 milyon para sa livelihood project ng Tobacco Growers Association at Rural Improvement Club (RIC), idiniin ni Mayor Subagan.

Sa pangkabuhayang proyekto ng mga taga Suyo, una rito ang pagtatanim ng rambutan, itinuturing na Lansones ng mga Ilokano na ito rin ang “One Town, One Product” (OTOP) dito. “Baka magiging ‘rambutan cuntry’ ang Suyo pagkalipas ng dalawa o tatlong taon,” idiniin ng Mayor.

Maliban sa rambutan, natutulongan na rin ng gobyerno ang mga kasapi ng Coffee Growers Association sa Suyo para sa pagtatanim ng cacao na dating itinatanim sa kabundukang ito.

Tumulong na rin ang pamahalaang probinsyal na pinamumunuan ni Gob. Luis “Chavit” Singson, ang “Father of RA 7171”, dating House Deputy Speaker Eric Singson at ang kanyang anak na si Congressman Eric “Owen” Singson Jr sa pagpapatayo ng mga farm-to-market roads, public market, tulay, Health Center at iskuwela sa bayang ito kabilang na ang mga iba pang itinuturing na “upland towns.”

Nagpamigay din ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ni Provincial Agriculturist Teofilo Quintal ng mga cacao seedlings na itatanim ng mga magsasaka para mapaunlad ang produktong ito sa kabundukan.

Nailunsad ang Community Service ng pamahalaang probinsiyal sa Suyo noong nakaraang buwan na binubuo ng mga Medical Team at Capitol Caraban ng ibat-ibang sangay ng gobyerno na kung saan naipagkaloob ang 1,000 school bags na may note book, lapis at krayola sa mga dukhang mag-aaral sa Kinder, Grade 1 at Grade 11 , pati Philhealth, gamut at relief goods sa mga dukhang pamilya.

Samantala, nagpasalamat si Gob. Singson, national chairman ng League of Provinces of the Philippines, kay Pres. Benigno Aquino 111 dahil sa mabilis na pagka- release ng pundo ng RA 7171sa lalawigan kabilang na ang Ilocos Norte, La Union at Abra na nakakatulong sa progreso sa Ilokos. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s