Tagalog news: PHO naglunsad ng paligsahan sa pagguhit at paggawa ng islogan

LINGAYEN, Pangasinan, Agosto 06 (PIA) — Upang mahikayat ang mga Pangasinense, bata man o matanda na kumain ng gulay, naglunsad ang Provincial Health Office (PHO) ng paligsahan sa pagguhit at paggawa ng islogan na nilahukan ng mga estudyante mula sa dibisyon ng Pangasinan I at Pangasinan II.

Ang paligsahan na ginanap nitong katapusan ng Hulyo sa Capitol Resort Hotel, sa bayang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

“Ngayong taon, napapanahon na ang pagdiriwang ay nakatuon sa kahalagahan ng wastong pagkain lalo na ang paghahain ng gulay sa araw-araw,” ayon kay Milagros Gutierrez, nutritionist-dietician.

Ang mga nagwagi sa paligsahan ay sina Ahden Ganaganag, kampeyon mula sa Umanday Elementary School sa bayan ng Bugallon; John Norman Rodriguez, ikalawa mula sa Anda Elementary School sa bayan ng Anda; at si Jonathan Mark Somera, ikatlo mula sa East Central Elementary School sa bayan ng San Fabian.

Nasa ika-apat na puwesto naman sina John Rodolph Cerdan ng Mangaldan Integrated School sa bayan ng Mangaldan at Richard Sison, Jr. ng Lobong Elementary School sa bayan ng San Jacinto. Si Sharin Verzola ng Sual Central School sa bayan ng Sual ang nagkamit ng ika-anim na puwesto.

Tumanggap ang mga nanalo ng medalya, sertipiko at salaping gantimpala. Ang kampeon ay nabigyan ng tatlong libong piso; dalawang libong piso para sa ikalawa; isang libo at limang daang piso para sa ikatlo; at isang libong piso naman ang tinanggap ng mga nasa ika-apat hanggang ika-anim na puwesto.

Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay naglalayong higit na maipaunawa sa mga Filipino ang kahalagahan ng tamang nutrisyon.

Ang tema sa taong ito ay “Pagkain ng Gulay Ugaliin, Araw-Araw Itong Ihain.” (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s