Tagalog news: Feature: Sulong turista, Usbong turismo!

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Agosto 6 (PIA) — Isa sa priyoridad ng kasalukuyang administrasyon ang mapadami ang mga turistang pumupunta sa Pilipinas at ang pagpapagawa ng mga lansangan .

Alinsunod dito, ang Kagawaran ng Turismo o DOT at Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ay lumagda ng isang memorandum of agreement para sa isang programang naglalayong ayusin ang mga kalsadang dinadaanan ng mga turista upang makatulong sa pagpapanatili at pagpapausbong ng ekonomiya.

Sa isang panayam, sinabi ni DOT 1 Regional Director Martin S. Valera na mithiin din ng kanilang proyekto na makalikha ng maraming pang trabaho sa bansa.

Tinatawag na “Convergence Program for Enhancing Tourism Access,” ang implementasyon nito sa rehiyon ay sa 2013 pa.

Target nitong mapaayos, mapaganda at mapalawak ang Kapurpurawan Rock Formation Road at Macini-Daduang San Road sa Ilocos Norte; ang Bantay sa San Ildefonso Section, Bangrin Mangrove Access Road at Napunot Road sa Ilocos Sur; at Balungao sa Pangasinan.

Paliwanag ni Valera, walang partikular na lugar dito sa La Union ang napabilang sa proyekto sapagka’t halos lahat ng mga daanan dito ay maayos at napapakinabangan na ng marami.

Sa ganitong sitwasyon, maisasakatuparan ang mithiing mapaigting ang Republic Act 9593 Section 34 na may mandatong magkaroon ng koordinasyon ang DOT sa DPWH at Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon o DOTC sa pagpapatibay ng mga programang naaangkop sa turismo tulad ng mga kalsada, paliparan at “seaports.”

Mapapatunayan rin sa mga turista ang kampanyang sinusulong ng DOT na “It’s more fun in the Philippines.”

Ayon sa datos ng DOT, aabot sa 1,819,781 ang bilang ng mga turistang pumunta rito mula Enero hanggang Mayo ngayong taon. Noong nakaraang taon ay mayroong 1,609,651 turista ang dumalaw sa sa bansa. (ANL/MHH PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula sa http://www.tourism.gov.ph/Pages/IndustryPerformance.aspx)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s