Tagalog news: Opag, nag-abot serbisyo sa mga bata sa La Union

BACNOTAN, La Union, Agosto 4 (PIA) — Nagabot ng sari-saring serbisyo ang Office of the Provincial Agriculturist (Opag) sa 154 na mag-aaral ng Ortega Elementary School sa bayan ng Bacnotan.

Sa pamamagitan ng programang “Special Community Service Day,” ang mga bata ay pinakain ng arroz caldo, kakanin at calamansi juice bilang bahagi ng “feeding program.”

Ani Alberto Lacsamana, Opag assistant provincial agriculturist, ang “outreach program” na ito ay isang paraan upang matulungan ang mga residente sa lugar gayundin, ito’y isang hakbang para ipakita na sila’y may malasakit sa kanila.

Bilang parte ng programa, isang “puppet show” hinggil sa kalikasan ang pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office sa siyudad ng San Fernando at Opag upang paalalahanan ang mga tao na protektahan at pangalagaan ang kapaligiran.

Pagkatapos nito, mga kagamitan ng mga bata sa nasabing paaralan ang ibinahagi tulad ng mga envelope, lapis, papel, pandikit, coupon bond at “health kits” na may lamang toothbrush, toothpaste at sabon.

Ang mga bata ay nabigyan din ng mga damit mula sa mga empleyado ng Opag.

Nakatanggap rin ng mga binhi tulad ng okra, kangkong, pechay, patola, kalabasa, kamatis at sitaw ang mga residente ng Barangay Ortega na kanilang magagamit bilang pangunahing pagkukunan ng pangkabuhayan sa hinaharap.

Ani ni Opag Administrative Officer Mario Eliseo Casimiro, ang pondong ginamit para sa mga binigay na iba’t-ibang serbisyo ay nagmula sa limang porsiyentong sahod ng bawa’t manggagawa sa nasabing opisina. (JCR/MHH-PIA1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s