Tagalog news: SK sa Ilocos Sur, itinataguyod ang kultura, tradisyon, at wika

LUNGSOD NG VIGAN, Hulyo 30 (PIA) — Hindi lang mga proyekto ng komunidad na nakatutulong sa pamumuhay ng mga mamamayan ang binigyang pansin ng mga kasapi ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Ilocos Sur pati na rin ang preserbasyon at pagtataguyod ng mga kultura at tradisyon ng mga ilokano kabilang ang pambansang wika.

Ayon kay Gabrielle Kayla Mendoza, pangulo ng pederasyon ng mga SK sa lalawigan, pagsapit ng “Buwan ng Wika” ng Agosto, naglulunsad ang mga kabataan ng mga aktibidad at programa na nagbibigay diin sa kultura, tradisyon, at pati na ang wikang Ilokano at Filipino upang mapreserba ang mga ito para sa mga susunod pang henerasyon.

Sinabi ng Bokal na kumakatawan sa mga kabataan sa Sangguniang Panlalawigan na pipiliin ng pederasyon ang “Natatanging Manunulat ng Ilocos Sur” na pinagkalooban ng “Gawad Mena Crisologo” para sa 2012 bilang parangal sa naiambag na “obra-maestra” o premyadong akda na nakatulong sa pag-unlad o pag-usbong ng Literatura Ilokana.

Dating gobernador si Mena Crisologo na pamoso rin sa mga sinulat niyang “daniw” o tulang iloko na binibigkas noon sa mga entablado o dulaan kung may pista sa probinsiya na pinagmulan ng mga zarzuela sa Ilocos.

Sinabi ni Bokal Mendoza na mailulunsad ng Agosto ang mga patimpalak ng pagsusulat ng “daniw” o tula, “ababa a sarita” o maikling kuwento at “salaysay” o essay na lalahukan ng mga mag-aaral ng elementarya at sekundarya.

Ang DWSR Foundation ay naglunsad din ng palighasan ng tula ng mga iskolar na ang mga mananalong akda ay bibigkasin sa ere ng naturang himpilan ng radyo.

Sinabi ni Mendoza, na maliban sa mga paligsahan, maglulunsad din ang iba’t ibang aktibidad tulad ng pagpapalabas ng mga “nakaugalian a salsala” o katutubong sayaw at “samiweng iti Kailokuan” o awiting Iluko.

“Sama-sama kaming mga kabataan, nagkakaisa hindi lamang para sa kaunlaran kundi para makapag-ambag din para mapanatili at mapausbong ang mga ipinagmamalaking kultura at tradisyon ng mga kapuwa Ilokano pati na rin ang ating pambansang wika ay dapat ding mapangalagaan at maitaguyod,” dagdag ni Mendoza.

Bilang tugon sa panawagan laban sa “climate change” o pagbabago ng klima, tumulong din ang mga SK sa paglilinis at pagtatanim ng bakawan sa mga tabi ng ilog at dagat sa bayan ng Sinait at Sto. Domingo kabilang na ang pagtatanim ng puno sa kabundukan sa ikalawang distrito. (ANL/BPP-PIA 1, Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s