Tagalog news: Mga guro nagsanay sa K+12

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Hulyo 27 (PIA) — Ang mga guro ng Grade 1 ay sumailalim sa pagsasanay dito upang mahubog ang kanilang stratehiya sa pagtuturo para sa epektibong implementasyon ng K+12 na programa ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd.

Ayon kay Oscar P. Flores, DepEd-1 education program supervisor, 4,042 na guro sa Grade I sa pampublikong paaralan ang dumalo sa pagsasanay noong Mayo 16 hanggang 28. Aniya, 247 na guro sa Grade I sa pribadong paaralan ang nagsanay din nitong Hunyo 6 hanggang 8.

Ang DepEd ay nagbigay ng libreng ‘educational kits’ at pinagkalooban ang mga participants ng ‘board and lodging’ sa mga kalahok.

Samantala, sinabi ni DepEd 1 Chief of Elementary Division Vivian S. Pagatpatan mula sa isang panayam na ang oagsasanay ay nakapokus sa K+12 kurikulum.

Ang mga paksang tinalakay ay ang mga mahahalagang katangian ng programa tulad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) at ‘core academic areas’ tulad ng Math, Filipino, English, Araling Panlipinan, Music at Arts at iba pa na base sa ‘College Readiness Standards ng Commission on Higher Education.

Ani ni Flores, ang mga guro mula grade one hanggang three ay kinakailangang magturo ng dialekto o wikang kanilang ginagamit sa kanilang lugar para ma ‘adopt’ ang konsepto ng MTB-MLE bilang bahagi ng kurikulum ngayong 2012 hanggang 2013.

Ito’y naglalayong salungguhitan ang ‘mastery’ o dunong ng wika at kultura para sa mga estudyanteng nakalista ngayon.

“Ngayong kasalukuyan, makikita natin na ang K+12 ay epektibo sa ilang aspeto dahil napansin natin ang kahusayan sa pagsasalita ng mga bata ngayon lalong-lalo na sa mga pampublikong paaralan sapagka’t, inaaplay nila ito kadalasan sa kanilang pang araw-araw na buhay,” tugon niya.

Dagdag pa ni Pagatpatan, ang mga guro sa eskuwelahang pampubliko ay kapwa nagsanay rin sa MTB-MLE mula Hulyo 5 hanggang 8, 13 hanggang 15 at 20 hanggang 22.

Ang pagsusuri sa nasabing programa, polisiya sa ‘grading system,’ hakbang o pamamaraan ng tamang pagtuturo ay nabigyang-pansin rin para sa ‘adoption’ ng programa.

“Kaya’t hinihikayat namin ang mga pribadong paaralan upang tangkilikin ang programa para sa matagumpay nitong implementasyon ngayong taon, paliwanag ni Flores. (ANL/MHH-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s