Tagalog news: National Disability Prevention and Rehabilitation Week ipinagdiriwang sa Pangasinan

LINGAYEN, Pangasinan, Hulyo 20 (PIA) — Isinusulong sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week sa taong ito na mabigyan ng pantay na karapatan sa paghahanapbuhay ang mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).

Ayon kay Emilio Samson, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), hinihikayat ng pamahalaan na iwasan ang diskriminasyon sa mga PWDs kung nais na matamo ang pag-unlad ng lahat.

Aniya, dito sa lalawigan ng Pangasinan ay maraming kwalipikadong PWDs ang kasalukuyang nagtatrabaho sa iba’t ibang departamento sa Kapitolyo. Sila ay ang tumatanggap ng parehas na kabayaran o sweldo at pagkakataon na tulad sa mga normal na kawani roon.

Samantala, naghanda ng mga aktibidad ang PSWDO para sa pagdiriwang ngayong linggo. Una na rito ang pagkakaroon ng isang advocacy campaign noong Lunes na sinundan ng pamamahagi ng mga silyang de gulong at pagsusuri sa mga silyang de gulong ng ilang may kapansanan.

Isinagawa naman sa araw na ito ang exhibition game, paligsahan sa pagsulat at livelihood fair para sa mga PWDs sa SM Rosales. Gaganapin din sa ika-26 ng Hulyo ang Employers and Provincial Employment and Services Office (PESO) Managers’ Forum sa Capitol Café sa bayang ito.

Ang National Disability Prevention and Rehabilitation Week ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Hulyo batay sa Proklamasyon Blg. 1870 na humihikayat sa mga PWDs na maging aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng bansa. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

 Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s