Tagalog news: Pangasinan tumanggap ng kagamitang pansagip mula sa DILG

LINGAYEN, Pangasinan, Hulyo 19 (PIA) — Tumanggap ng kagamitang pansagip sa panahon ng sakuna ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o DILG nitong ika-siyam ng Hulyo sa Kapatilyo ng nasabing bayan.

Ayon kay Col. Fernando De Guzman ng PDRRMC, isa lamang ang pagtanggap ng kagamitan sa marami pang aktibidad na inihanda ng kanilang kapulungan sa pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month.

Aniya, kabilang sa mga aktibidad ang patuloy na paglilinis ng mga ilog sa Pangasinan, pagbibigay ng impormasiyon ukol sa paghahanda sa anomang kalamidad, pagtatanim ng mga bakawan, at pagsasagawa ng “tsunami drill” sa barangay Tuboan sa bayan ng Labrador.

Ipinahayag naman ni Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim Jr., na ang kanilang natanggap na tulong ay idaragdag sa kagamitang pansagip sa lalawigan. Hinikayat din niya ang kanilang mamamayan na maging alerto at madalas na alamin ang kalagayan ng panahon nang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Ang kagamitang ipinagkaloob ng DILG ay ang mga sumusunod: apatnapung safety vest, sampung pasinag, walong radyo na may baterya at antena, limang pala, apat na megaphone, tatlong stretcher, tatlong piko, dalawang chainsaw, dalawang palataw, dalawang diyenereytor, at dalawang tolda.

Sa pamamagitan nito, naipakita ng DILG ang kanilang suporta sa lokal na pamahalaan sa lalawigan upang sila ay makagawa ng mga hakbang para mabawasan ang panganib na dulot ng sakuna. Gayundin, palalawigin nito ang kanilang kahandaan tuwing may kalamidad at paiigtingin ang kakayahan nilang sagipin ang sinomang nasa panganib. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s