Tagalog news: Mga estudyante na kasapi ng 4Ps sa La Union nabigyan ng “scholarships”

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Hulyo 10 (PIA) — Tatlumpu’t siyam na mahihirap na estudyante sa kolehiyo na kasapi sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa La Union ang napabilang sa Student Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (SGPPA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin ng SGPPA na makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na miyembro ng 4Ps para matulungan silang makaahon sa kahirapan, ayon kay Allan O. Lulu, information officer.

Ito ay upang maparami ang bilang ng mga makakapagtapos ng kolehiyo nang sa gayon ay dumami ang mga may hanapbuhay at makaahon sa kahirapan, dagdag niya.

Ang isang aplikante ay kinakailangang nakatapos ng hayskul, may gulang na hindi hihigit sa 30 taon, at naipasa ang mga kinakailangan para makapasok sa kolehiyo gaya ng “entrance” exam.

Ang mga napiling iskolar ay tatanggap ng P60,000 bawat taon o P30,000 bawat semestre na kanilang gagamiting pambayad ng “tuition fee” at iba pang gastusin. Bilang kapalit, ang mga iskolar ay dapat na makakuha ng matataas na marka.

Sa La Union, ang Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) sa lungsod ng San Fernando ang tinukoy ng DSWD na maaring pasukan ng mga iskolar.

Ang mga iskolar ay maari lamang kumuha ng kurso sa information technology, agriculture at related arts, education, engineering, health at sciences, arts at humanities, atmospheric science at environmental science. (ANL/EMR-PIA1 La Union)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s