Tagalog news: 3,000 kasapi ng Healthy Habit Club nabigyan ng libreng serbisyo-medikal

LINGAYEN, Pangasinan, Hulyo 6 (PIA) -– Nabigyan ng libreng serbisyo-medikal ang halos tatlong libong mga kawani ng pamahalaan sa lalawigan na kasapi ng Healthy Habit Club noong Hunyo 27 sa Pangasinan Training and Development Center sa bayang ito.

Ayon kay Dr. Anna Maria Teresa De Guzman, hepe ng Provincial Health Office (PHO), layunin ng programa na mapanatiling malusog ang bawat kawani.

Aniya, makapagbibigay sila ng mas maayos na serbisyo sa mga Pangasinense kapag sila ay malayo sa anumang karamdaman.

Sa naturang programa, tinukoy ng mga doktor mula sa PHO ang “vital signs” ng mga kawani gaya ng kanilang temperatura, bilis ng pulso, “blood pressure” at “respiratory rate.” Nagsagawa rin sila ng Doppler test upang masukat ang daloy ng dugo sa mga paa at ibabang binti ng mga kawani.

Nagkaroon din ng pagsukat sa “blood sugar” at kolesterol, masahe at pagsuri sa paningin. Ang mga kawani na naninigarilyo ay sumailalim naman sa “lung function test” para malaman kung gaano na kalala ang problema sa kanilang mga baga.

Hinikayat ni Janet Asis ng Human Resource Management Office ang ibang kawani na lumahok sa Healthy Habit Club nang masubukan ang ganito ring mga benepisyong naibibigay ng libre sa mga kasapi nito. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s