Tagalog news: Makabagong kagamitan papasinayaan sa Pangasinan Provincial Hospital

LUNGSOD NG SAN CARLOS, Pangasinan, Hulyo 5 (PIA) — Papasinayaan ng mga opisyal ng pamahalaan sa lalawigan ang isang “digital X-ray machine” sa Pangasinan Provincial Hospital sa barangay Bolingit sa lungsod na ito sa ika-lima ng Hulyo.

Ipinahayag ni Dr. Jackson D. Soriano, hepe ng Pangasinan Provincial Hospital, na ang naturang kagamitan ay magbibigay ng makabagong serbisyo-medikal para sa mga Pangasinense.

Aniya, makatutulong ito upang madagdagan ang mga serbisyong inihahatid ng ospital ng gobyerno at upang mapabuti ang kakayahan nilang matukoy ang mga karamdaman.

Ang “digital X-ray” ay hindi nangangailangan ng “film” kaya mabilis na makukuha ang resulta kapag nagpakuha ng X-ray. Ito rin ay mas matipid dahil hindi na kailangang iproseso pa ang “film.” Mainam din ito sa kalusugan sapagkat gumagamit lamang ito ng kaunting “radiation” hindi gaya ng karaniwang X-ray.

Matapos pasinayaan, ito ay ilalagak sa Radiology Department, Emergency Room Complex ng Pangasinan Provincial Hospital. (PIA-Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s