Tagalog news: CSC magsasagawa ng nationwide photo contest

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Hunyo 27 (PIA) — Ang Civil Service Commission (CSC) ay magsasagawa ng photography contest para sa lahat ng manggagawa sa gobyerno bilang parte ng kanilang selebrasyon para sa 112th Philippine Civil Service Anniversary ngayong darating na Setyembre.

Ang aktibidad na ito ay pinamagatang “Give it your best shot” at may layong bigyan ng pagkakataon ang mga photography enthusiasts sa gobyerno anuman ang katayuan o posisyon na kanilang pinanghahawakan upang maipakita ang kanilang talento, maliban sa mga manggagawang kasapi sa National Press Club at Press Photographers of the Philippines, ayon sa CSC.

Ang mga entries ay kinakailangang sumasalamin sa tema ng patimpalak na “Kawani, Ikaw ay Isang Lingkod Bayani,” sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawang nagpapakita ng kahalagahan ng pampublikong serbisyo sa mga Pilipino sa pang araw-araw na buhay.

Ang mga larawan ay kailangan ding nakuha kamakailan o simula 2011 hanggang ngayon at hindi dapat napahusay o nabago para sa mas malikhaing anyo.

Bukod dito, menor na adjustments o pagkakaayos tulad ng sharpening, contrast, o slight color adjustment lamang ang maaaring gawin. Ang mga larawang naisumite na nanalo sa ibang kompetisyon na nailathala at lumalabag sa karapatan ng isang tao ay hindi mapapabilang.

Gayundin, bawat kalahok ay kailangang magpasa ng isang larawan na may sukat na 8R, colored at unmounted, kasama ang natapos na entry form na maaaring makita sa celebratepcsa.wordpress.com at CD na naglalaman ng soft copy ng kanilang larawan.

Ang huling pagpapasa ng mga litrato ay nakatakda sa Hulyo 16, hanggang 5:00 n.h. sa anumang opisina ng CSC sa buong Pilipinas.

Ang mananalo sa unang puwesto ay makapag-uuwi ng P20,000; sa ikalawang puwesto naman ay P10,000; habang ang ikatlong puwesto ay makakakuha ng P5,000.

Ang iba pang sampung kalahok ay makakatanggap naman ng premyong konsolasyon na P1000 bawat isa. Ang mga entries ay mahuhusgahan ayon sa kahalagahan ng tema, pagkamalikhain, technique or pagkakagamit ng elemento ng potograpiya at maging ang kabuuang epekto o impact nito.

Hinikayat ni CSC1 Regional Director Engelbert Anthony Unite, noong nakaraang “Danggayan” radio program rito ang mga empleyado ng gobyerno na may hilig sa photography na sumali sa kanilang gaganaping photo contest. (ANL/MHH-PIA1 La Union,may kaakibat na ulat mula sa CSC)

 Tags:
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s