Tagalog news: Grupo ng kababaihan sa Ilocos Norte may dagdag-kita gamit ang basura

SARRAT, Ilocos Norte, June 22 (PIA) — Mayroong 32 kababaihan mula sa Sarrat Federation for Womens Group sa San Agustin Sarrat, Ilocos Norte ang nakibahagi sa pagsasanay kamakailan para sa karagdagang mapagkakakitaan na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte at ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Gamit ang basura, pinangunahan ng mga piling kababaihan mula sa Baguio, ang pagbuo ng mga bagong produkto na maaaring ipagbili.

Ilan sa kanilang mga produkto ay mga bags mula sa lumang diyaryo at magazine, samantala, ang mga materyales naman mula sa lumang walis ay ginawang mga trays, basket, mga bracelets, at iba pang palamuti.

Natuwa naman si Ilocos Norte Gov. Imee R. Marcos sa kinalabasang produkto at sinabing maaari itong ilagay sa mga souvenir shops ng probinsya para lalo pang mahikayat ang mga turista.

Bukod pa dito, hinikayat din ang mga sumailalim sa livelihood training na ibahagi sa iba ang kanilang mga natutunan upang makatulong ang mga ito sa iba.

Maliban sa pagkakaroon ng dagdag na mapagkakakitaan, natutunan din ng mga ito ang pagpapahalaga sa basura at ang tamang pagbibigay ng atensyon sa mga ito.

Pagkatapos ng isinagawang training, pinagkalooban ang mga partisipante ng katibayang sertipiko. (ANL/CDG-PIA 1, Ilocos Norte)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s