Tagalog news: OFW Dependents Scholarship Program bukas pa rin, ayon sa OWWA

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Hunyo 20 (PIA) — Ang mga papasok sa unang taon ng kolehiyo o freshmen ay maaari pang mag-aplay para sa OFW Dependents Scholarship Program (OFWDSP) sa taong 2012-2013, ayon kay Overseas Workers Welfare Administration 1 (OWWA-R1) Officer III Rhoda Lee.

Sakop ng scholarship na ito ay ang pinansiyal na tulong na nagkakahalaga ng P20,000 kada taong panunuruan o P10,000 kada semestro tungo sa baccalaureate or associate degree sa isang state college o unibersidad, ayon sa OWWA.

Ang mga makukuhang karapatdapat o kwalipikadong aplikante ay may karapatan din para sa group health at insurance coverage sa halagang P100,000 sa bawat scholar.

Sinabi ni OWWA 1 Labor Communications Officer Amapola Z. Villar mula sa nakaraang “Danggayan” radio program rito na ang scholarship na ito ay hindi nag-uutos na sumailalim ang mga aplikante sa pagsusulit, sa halip, kailangan nilang ipasa ang entrance examination mula sa institusyong kanilang papasukan.

Dagdag pa ni Lee na ang mga OFW na magulang o kamag-anak ng aplikante ay kinakailangang aktibong miyembro ng OWWA at mayroong sweldong hindi lalagpas sa $400 bilang isang pangunahing rekisito o pangangailangan.

Ngayong taon, 48 na slots ang nilaan sa rehiyon uno. Sa kasalukuyan, umaabot na sa 36 ang nag-aplay.

Ang mga OFW dependents na interesado sa nasabing scholarship ay maaari pa ring magpasa ng kanilang natapos na form sa opisina ng OWWA 1. (ANL/MHH-PIA 1 La Union may kaakibat na ulat mula sa OWWA)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s