Tagalog news: Mga kabataang Dagupeño naglingkod sa lungsod ng Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN, Hunyo 20 (PIA) — Muling inilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod na ito ang programang “Manlingkor ya Kalangweran (Maglilingkod na Kabataan)” bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 taong anibersayo ng Araw ng Dagupan.

Walumpu’t walong mga kabataang Dagupeno ang mga kalahok dito. Sila ay nasa ikatlong taon ng hayskul mula sa mg pampubliko at pribadong paaralan.

Una muna silang isinailalim sa tatlong araw na pagsasanay bilang paghahanda sa kanilang tungkulin bilang mga lokal na opisyal ng isang linggo. Ginanap ang pagsasanay sa tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon mula ika-14 hanggang ika-16 ng Hunyo.

Paliwanag ng alkalde ng lungsod na si Benjamin Lim, ang mga napiling estudyante ay nasa ikatlong taon ng hayskul at hindi ang mga nasa ika-apat na taon dahil mayroon pa silang isang taon para maibahagi sa kapwa nila mag-aaral ang kanilang mga matututunan mula rito.

Ipinayo ni Lim sa mga mag-aaral na sila ay magkaroon ng tiwala sa sarili at patuloy na mag-aral nang sa gayon ay magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Hinikayat din sila ng alkalde na maging bahagi ng solusyon sa anumang suliranin sa komunidad.

Pormal na nanumpa ang mga batang lider ngayong umaga pagkatapos ang pagpupugay sa watawat na ginanap sa plaza kung saan sila ay parang mga bagong halal na opisyal ng pamahalaan.

Maglilingkod sila mula ngayong araw hanggang sa Biyernes bilang mga batang alkalde, bise-alkalde, konsehal, pinuno ng iba’t ibang departamento, at mga opisyal sa barangay. (ANL/AMM/PIA 1-Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s