Tagalog news: Walang kakulangan ng suplay ng bigas, di dapat mabahala ang mga Ilokano–NFA

BANTAY, Ilocos Sur, Hunyo 5 (PIA) — Hindi dapat mabahala ang mga Ilokano kahit sa pagsapit na “lean months” dahil sapat ang suplay ng bigas sa Ilocos Sur, na agrikultura ang siyang pangunahing industriya.

Ayon kay National Food Authority (NFA) provincial manager Tirso Mendoza, may 83,328 sako ng lokal na bigas na nakaimbak sa mga bodega ng NFA maliban pa sa reserbang 179,811 sako ng palay na kasalukuyang binabayo.

“Hindi dapat mabahala ang mga Ilokano, dahil may sapat tayong suplay ng bigas pati mga palay stocks sa probinsya para sa mga buwan ng taghirap, simula sa Hunyo hanggang Oktubre,” idiniin ng opisyal ng NFA.

Sinabi ni Mendoza na walang alokasyon para sa inangkat na bigas sa 2012 at pati sa susunod na taon dahil sobra-sobra ang mga lokal na bigas para sa probinsya bagama’t hinihikayat niya ang mga magsasaka na ipagbili sa kanila ang kanilang mga palay sa presyong P17 kada kilo.

Samantala, sa pagbili naman ng NFA ng mais sa mga magsasaka, sinabi ni Mendoza na hindi pa gaanong bumibili ang ahensya ng naturang produkto dahil mas mataas pa rin ang pagbili ng mga traders o negosyante na mas nakakatulong din sa mga nagtatanim. Ngunit kung bumaba ang presyo ng pagbili ng mga traders saka na lamang papasok ang NFA.

Sinabi pa ng opisyal na tuloy-tuloy ang ipinapatupad nilang information drive sa iba’t-ibang bayan para malaman ng pamahalaan ang mga karaingan at kahilingan ng mga magsasaka lalo na ang mga nagtatanim ng palay at mais at maiparating na rin ang mga bagong programa at alituntunin ng NFA.

Bilang tugon ito sa direktiba noon ni Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala nang bumisita sa inagurasyon ng Banaoang Pump Irrigation Project sa bayang ito noong nakaraang taon na kung saan kanyang binanggit na dapat lahat ng kawani at opisyal ng ahensya ng agriklultura ay dapat personal na kausapin ang mga magsasaka sa kanilang taniman para mapalapit ang pamahalaan sa kanila. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s