Tagalog news: Aplikasyon para sa “penology officer” eksam Hunyo 7-28

LINGAYEN, Pangasinan, Hunyo 6 (PIA) –- Ipinahayag ng Komisyon sa Serbisyong Sibil o CSC na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa “penology officer” eksam ay bukas hanggang sa ika-28 na lamang ng Hunyo.

Ayon kay Romulo Nabua, senior personnel specialist ng CSC sa bayang ito, ang pagsusulit ay para sa lahat ng mga nagnanais magkaroon ng “eligibility” bilang “penology officer,” sila man ay kawani o hindi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang mga aplikante, aniya, ay dapat na mamamayang Filipino; may mabuting pag-uugali; at may malusog na pangangatawan at angkop na pag-iisip.

Sila rin ay dapat na hindi pa nahatulan ng anumang krimen kabilang na ang pagiging mahalay, pagsisinungaling, pandaraya sa pagsusulit, paglalasing o pagkaadik sa droga. Hindi rin sila napatalsik sa serbisyo sa pamahalaan, bilang militari o isang sibilyan.

Dagdag pa rito, sila rin ay nakapagtapos sa kolehiyo; may edad na hindi bababa sa 21 at lalagpas sa 30; at may taas na 5’2” para sa mga babae at 5’4” naman para sa mga lalaki.

Ang edukasyon, gulang at taas ay hindi na hihilingin para sa mga kawani ng BJMP.

Hindi na rin paghihigpitan sa gulang at taas ang mga kawani sa Bureau of Corrections at sa mga bilangguan sa lalawigan ngunit kinakailangan na sila ay magpakita ng katibayan na sila ay kawani sa mga nabanggit.

Magbibigay naman ng konsiderasyon ang National Commission on Indigenous People para sa mga kabilang sa “cultural community” na nais ding kumuha ng pagsusulit ngunit hindi sapat ang kanilang taas sa itinakda ng CSC.

Narito ang mga kailangan sa pagpasa ng aplikasyon: (1) “application form” na maaring makuha sa pinakamalapit na tanggapan ng CSC at maging sa websayt nito; (2) apat na kopya ng magkakaparehas na larawan; (3) orihinal at kopya ng anumang “valid ID” na naglalaman ng larawan, petsa ng kapanganakan, lagda at lagda rin ng otorisadong pinuno ng ahensiya kung saan nagmula ang ID; at (4) bayad sa pagproseso ng aplikasyon na nagkakahalaga ng pitong daang piso.

Para sa mga katanungan ukol sa pagsusulit, magsadya lamang sa tanggapan ng CSC sa bayan ng Lingayen. Ang pagsusulit na ito ay magaganap sa ikalabing-dalawa ng Agosto. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s