Tagalog news: 700 Ilokano, natulungan ng mobile passporting ng DFA

LUNGSOD NG VIGAN , Hunyo 5 (PIA) — Upang maiparating ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan, inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pakikipagtulungan ni Congressman Ryan Singson ang Mobile Passporting sa Baluarte dito sa Heritage City.

Umabot sa 700 Ilokano mula sa unang distrito ng Ilocos Sur ang natulungan noong Mayo 31 sa pagkuha at pag-renew ng kanilang pasaporte lalo na ang mga nagnanais magtrabaho sa ibayong-dagat.

Ayon sa kongresista sa pamamagitan ng Mobile Passporting na proyekto ng DFA, makaka-menus ng gastos ang ating mga kababayan dahil hindi na sila pupunta sa DFA Regional Office sa lungsod ng San Fernando, La Union o sa Maynila kundi ang gobyerno na ang lumapit sa mga mamamayan.

Maliban sa mga empleyado ng DFA, tumulong din ang mga tauhan ni Congressman Singson na nagtayo ng libreng Xerox machine para sa libreng pagsixerox ng mga dokumento na kailangan ng mga aplikante.

Sinabi ni Singson na magtutulungan sila ng pamahalaang lalawigan na maglunsad kada tatlong buwan ng Mobile Passporting sa iba’t-ibang bayan sa pakikipag-ugnayan sa DFA upang mas maraming mamamayan ang makakuha ng pasaporte.

Sinabi niya na maraming mga Ilokano na naninirahan at naghahanap-buhay na sa ibang bansa lalo na sa Amerika at Middle East kaya sa pagbibigay ng pasaporte sa mga kababayan maaari nilang mapasyalan ang kanilang mga kamag-anak o makapagtrabaho doon.

Noong nakaraang taon, nailunsad din ang Mobile Passporting sa Vigan na nakatulong sa mga Biguenos sa pamamagitan ng pamahalaan ng lungsod na pinamumunuan ni Mayor Eva Marie Singson- Medina at ang DFA. (ANL/BPP-PIA1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s