Tagalog News: OWWA nagsagawa ng orientation-workshop sa mga migrant officers sa La Union

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Hunyo 5 (PIA) — Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-1) dito sa rehiyon ay nagsagawa kamakailan ng orientation-workshop para sa mga naitalagang migrant desk officers (MDO) sa bawat bayan sa La Union.

Layon ng aktibidad na matukoy ng mga MDOs ang kritikal na pagganap ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatuloy at paglalabas ng lahat ng programa para sa mga overseas Filipino workers (OFW) at dependents sa kani-kanilang lugar at sila’y nabigyan ng tungkulin para hawakan ang mga isyu at hinaing ng mga OFWs sa kanilang pook.

May labing-apat na kabuuang kinatawan mula sa mga bayan ng La Union at isang katiwala mula sa pamahalaang probinsya ang nakilahok sa aktibidad na kung saan bawat isa rito ay nabigyan ng OFW Desk Officer’s manual.

Sa pamamagitan nitong manual, ang mga MDOs ay lalong masasanay hinggil sa mga programa, mga pangpatnubay at sistema o pamamaraan laban sa pagpapatupad ng iba’t-ibang serbisyo ng OWWA, ayon kay OWWA-1 Labor Communication Officer Amapola Z. Villar.

Mayroong mga programa o proyekto para sa mga OFWs na hindi pa rin pamilyar sa mga benipisyaryo na hatid ng OWWA at partner agencies hinggil sa mga pangangailangan ng mga aktibong OFWs, returnees o balikbayan at kanilang pamilya, ani ni Villar.

Bagama’t, bunsod ng mahalagang aktibidad na ito, ang mga katanungan, isyu at alintana patunggkol sa pangingibang bansa o bayan at katayuan ng OFW dependents ay nabigyang liwanag, aniya.

Ang mga ahensiyang kabahagi ng OWWA tulad ng Philippine Overseas Employment Administration, Philhealth, Home Development and Mutual Fund, Department of Foreign Affairs at Social Security System ay bumuo din ng mga lecturers upang makapagbigay ng makabuluhang serbisyo sa mga OFWs at kanilang pamilya.

Ang La Union Public Employment Service Office manager na si Charito Dator at Konsehal Joseph De Guzman ng lungsod na ito, ay nagbigay ng suporta sa OWWA sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga MDOs para tulungan ang OWWA sa pagproprotekta ng kapakanan ng mga OFWs at kanilang pamilya sa kanilang bayan. (ANL/MHH-PIA1 La Union may kaakibat na ulat mula OWWA1)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s