Tagalog news: Naguilian patuloy sa pagpapatupad ng “No Plastic Policy

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Hunyo 3 (PIA)–Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente at matiyak ang proteksiyon ng kalikasan, ang lokal na pamahalaan ng Naguilian ay patuloy sa pagpapatupad ng “No Plastic Policy” sa kanilang bayan.

Ang patakarang ito ay base sa Republic Act No. 9003 na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na siyang sumisiguro na maproteksiyonan ang pampublikong kalusugan at kalikasan sa pamamagitan ng wastong paghihiwalay at pagsasaayos ng solidong basura sa gitna ng pormulasyon at adoption ng mga pinakamagandang pangkapaligirang praktis hinggil sa ecological waste management maliban sa pagsusunog.

Ayon sa Environmental Management Unit Head ng lokal na pamahalaan ng Naguilian, Raul Ojas Castro, ito rin ay bilang tugon sa Municipal Ordinance No. 17 series 2011 na naging epektibo noong Hulyo 7 noong nakaraang taon na nagbabawal ng paggamit ng non-recyclable plastic bags o containers sa Naguilian Public Market at maging sa lahat ng establesimientong pangkalakalan sa bayan.

“Ang aming munisipalidad ang unang nagsulong o nagsagawa nito sa buong probinsiya upang iwasan ang nakasisirang resulta ng plastic sa kapaligiran. Ngunit, ang munisipyo ng Bauang ay nagsasagawa na rin ito hanggang ngayon, dagdag ni Castro.

Ang ordinansang ito ay naghihikayat sa mga tao para magdala ng paper bag, “bayong” at basket kung sila’y mamimili.

Ito’y epektibong pamamaraan dahil kami ay nakapagtala ng tatlumpu’t-pitong kataong lumalabag sa kautusan o violators magmula ng ito’y naipakilala hanggang ngayon”, ani ni Castro.

Sa isang panayam, sinabi pa nito na ang “No Plastic Policy” ay sinusubaybayan araw-araw ng market supervisor ng naturang bayan.

Ang sinumang mahuhuling lumabag sa ordinansa ay magbabayad ng isang libo, paliwanag pa ni Castro.

Ang programang ito ng lokal na pamahalaan ay nabuo sa pakikipagtulungan sa Naguilian Market Vendors Association at DZNL Aksyon Radyo.

Bilang suporta, ang DZNL ay namigay ng libreng cloth bags sa bayan na may sulat na “Walang Plastikan. Use Recyclable Bag” para maikalat ang impormasyon.

Ayon kay Mila Abuan ng DZNL, “sa mga taong gustong mag sponsor ng nasabing ‘cloth bag’ay maaaring kumuha sa presyong animnapung piso. Ang kanilang adbokasiya higgil sa paggamit cloth bags o eco bags ay kasulukuyan paring isinasagawa. (JCR/MHH-PIA 1 La Union)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s