Tagalog news: DepEd nagkaloob ng kagamitang pang-isports sa Pangasinan

LINGAYEN, Pangasinan, Hunyo 1 (PIA) -– Ipinagkaloob ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa lalawigan ng Pangasinan ang mga kagamitang ginamit sa katatapos na Palarong Pambansa noong 29 ng Mayo sa lungsod ng Pasig.

Ang naturang kagamitan ay nagkakahalaga ng P2 milyon. Ibinigay ito ng kagawaran bilang pagpapakita ng buo nitong suporta sa plano ng lalawigan na maglunsad ng isang akademya ng pampalakasan.

Naniniwala ang DepEd na ang kanilang handog ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga manlalarong papasok sa akademya upang magsanay.

“Ito iyong programa na gusto talaga naming isulong at sana ang Pangasinan ay maging modelo sa iba pang mga probinsiya na magiging ‘host’ ng mga susunod na palaro,” pahayag ng kalihim ng kagawaran na si Bro. Armin Luistro.

Ipinabatid naman ni Gob. Amado Espino Jr. ang kanyang galak sa DepEd gawa ng pagtitiwala nito sa lalawigan na maging punong-abala sa palaro ngayong taon. Makakaasa umano ang kagawaran na kanyang tutuparin ang pangakong magiging pamantayan ng mga susunod na palaro ang kanilang nagawa.

Dagdag pa niya, kaisa ng DepEd ang Pangasinan sa kagustuhan nila na patuloy na matutukan ang pagpapa-unlad ng palakasan para sa kapakanan ng mga kabataang atleta. (JCR/AMM-PIA 1, Pangasinan kalakip ang ulat mula sa PIO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s