Tagalog news: Public school transport system sa Laoag, malaking tulong sa mag-aaral ngayong pasukan

LUNGSOD NG LAOAG, Mayo 31 — Sa darating na pasukan, mabibigyan na naman ng diskwento sa pamasahe ang mga mag-aaral dahil tatakbo na naman ang pampublikong bus at dyip ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte.

Ang Sirib (Knowledge) bus at E-Jeep ay proyekto ni Gobernador Imee Marcos para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang upang mapagaan ang kanilang gastusin sa pag-aaral. Para sa Gobernador, ito ay isang paraan din upang maabot ang Millennium Development Goal na Pangkalahatan na Edukasyon sa Elementarya o Universal Primary Education.

Unang tumakbo ang Sirib bus at E-Jeep noong nakaraang taon. Dalawang E-Jeep at isang Sirib bus ang ipinagkaloob ni Gobernador Marcos sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Laoag na siyang nagpapatakbo ng mga nasabing proyekto.

Ngayong pasukan, inaasahan na magbibigay ito muli ng malaking tulong sa mga mag-aaral.

Sinabi ni Laoag City Administrator Cipriano Martinez na ang mga jeep at bus ay naging malaking tulong sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang simula nang ang mga ito ay ginamit noong nakaraang taon.

“Naging matagumpay ang programa noong nakaraang taon. Palaging puno ang mga sasakyan ng mga estudyante at malaking tulong ito sa kanila at sa kanilang magulang. Inaasahan namin na malaking ginhawa muli para sa kanila ang maibibigay nito ngayong pasukan,” ayon kay Martinez.

Tanging mga mag-aaral lamang sa elementarya at hayskul ang pinapayagan sumakay sa mga ito at mabibigyan ng 50 porsyento na diskwento.

Ayon kay Martinez, ang ruta ng E-Jeep ay sa malayong barangay ng Calayab at Caaoacan at ang Sirib Bus naman ay sa Gabu sa Laoag. Ang mga ito ay tutungo sa sentro ng Laoag kung saan marami ang mga paaralan sa elementarya at hayskul.

Nanawagan din si Martinez sa mga tricycle o jeepney drayber na huwag mabahala na baka humina ang kanilang kita dahil tanging mga mag-aaral lamang na patungo sa paaralan sa umaga at pauwi sa kanilang mga tahanan sa hapon ang isasakay sa nasabing public school bus system. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s