Tagalog news: Malusog na ngipin at katawan hinikayat ng Pangasinan Dental Chapter

LUNGSOD NG DAGUPAN, Mayo 31 (PIA) –- Patuloy ang paglilingkod ng mga dentista na kasapi ng Pangasinan Dental Chapter sa mga mahihirap na Pangasinense.

Ipinahayag ni Dr. Evangeline Padlan, pangulo ng Pangasinan Dental Chapter, na sa buwan ng Mayo ay nagsagawa sila ng iba’t-ibang aktibidad upang hikayatin ang malusog na ngipin at katawan.

Kabilang dito ang pagbabahagi ng kaalaman sa pangangalaga ng ngipin sa Brgy. Lasip Chico noong Mayo dos. Pinangunahan din nila ang pagbunot sa mga sirang ngipin ng mga dumalo doon.

Naglunsad naman sila ng programa sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Pangasinan noong ika-labimpito ng Mayo.

Dito, tinuruan ang mga ina na ihalo ang dahon ng malunggay sa kanilang mga lutuin. Mainam umano ang gulay dahil sa sustansiyang maibibigay nito. Naghanda rin sila ng mga pagkain na hinaluan ng malunggay at ito ay inihain sa mga bata.

Ang pagbibigay-pansin sa kalusugang dental at ang wastong pagsisipilyo ay ipinaalam din sa halos isangdaang batang lumahok sa programa. Magbibigay naman sila ng libreng serbisyong dental sa muli nilang pagbisita sa ikalawang distrito.

Ayon pa kay Padlan, ang proyektong kanilang sinimulan noong Marso na tinawag nilang “Very Important Patient” (VIP) ay patuloy sa paghahatid ng libreng dental na kalusugan sa mga mahihirap. (ANL/AMM-PIA 1 Pangasinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s