Tagalog news: SK sa Ilocos Sur nagkaisa laban sa kahirapan, Climate Change at ilegal na droga

LUNGSOD NG VIGAN, May 29 (PIA) — Bilang tugon sa kampanya ng gobyerno laban sa kahirapan at epekto ng Climate Change at ilegal na droga, nagbuklod-buklod ang mga Sangguniang Kabataan (SK) sa Ilocos Sur para tumulong sa pangangalaga sa kalikasan at masugpo ang ipinagbabawal na gamot.

Ito ang napagkaisahan ng mga kasapi ng Federation of Sangguniang Kabataan ng Ilocos Sur na binubuo ng 34 na bayan kabilang na ang Heritage City ng Vigan at lungsod ng Candon sa naganap na SK Congress sa Baluarte noong Mayo 18-20.

“Nakatutok ang adhikain ng SK sa lalawigan sa kampanya ng pamahalaan para malabanan ang kahirapan at ang lumalalang epekto ng Climate Change at Drug Addiction,” idiniin ni Gabriella Kayla Singson Mendoza, pangulo ng Pederasyon ng SK sa probinsya.

Sinabi ni Bokal Mendoza, kumakatawan sa mga kabataan sa Sangguniang Panglalawigan, na paiigtingin ng pederasyon ang pagtatanim ng punong kahoy sa mga kabundukan alinsunod sa National Greening Program ng gobyerno. Sa nakaraang taon, naglunsad ang mga SK ng “tree planting” activities sa mga kabundukan sa ikalawang distrito at “Clean- up” drive o paglilinis sa mga karagatan.

Plano ng pederasyon na matamnan ng punong kahoy ang mga kabundukan sa ikalawang distrito lalo na sa Alilem, Del Pilar at Sugpon na itinuturing ng Environment and Natural Resources Office sa probinsya na mga peligrosong lugar kung raragasa ang mga malalakas na bagyo. Makikipagtulungan din sila sa pagtatanim ng mangrove sa mga coastal areas sa unang distrito para mapangalagaan ang mga coral reefs at iba pang yamang dagat, idinagdag ng Bokal.

Maglunsad din anila ang mga SK ng mga Anti-Drug Addiction Symposioum sa mga paaralan sa lalawigan lalo na sa University of Northern Philippines sa Vigan sa taong ito para maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa ipinagbabawal na gamot na itinuturing na sakit ng lipunan na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan, iginiit ng pamangkin ni Mayor Eva Marie Singson Medina ng Vigan. Iimbitahan nila ang mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) upang magsilbing lecturer,

Sa naturang Kongreso na inisponsoran ng pamahalaang probinsyal, napagkaisahan ng mga SK na suportahan nila ang mga pro-poor programs ni Pangulong Aquino, lalo na ang pagtulong sa mga itinuturing na “poorest of the poor” para mapaunlad ang uri ng kanilang pamumuhay. “Kahit man lang tumulong sa mga community projects at konsultasyon sa mga mahihirap na kababayan sa mga depressed areas para maiparating ang kanilang pangangailangan at karaingan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno,” idinagdag pa ng SK Federation President. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s