Tagalog news: Mambabatas, inihayag na ang FOI Bill ay instrumento laban sa korapsyon

VIGAN, Ilocos Sur, May 29 (PIA) — Inihayag ng isang mambabatas na kapag naaprubahan ang Freedom of Information (FOI) Bill sa Kongreso, “magsisilbi itong mabisang instrumento laban sa korupsyon sa gobyerno na pangunahing sinusugpo ng pamahalaan ni Pangulong Benigno S. Aquino, III para marating ang matuwid na daan.”

Ito ang binigyang diin Deputy Speaker Lorenzo “Erin” Tanada III sa pakikipanayam ng Ilocos Sur Media nang bumisita siya sa kapistahan ng Viva Vigan Binatbatan Festival noong ikatlo ng Mayo 3 na napanood at napakinggan sa mga lokal na himpilan ng radyo at telebisyon.

Inihayag ng kongresista ng lalawigan ng Quezon na ang FOI Bill ay naglalayon na lahat ng ahensya ng pamahalaan kabilang na ang mga local government units (LGU) ay dapat ipaalam sa publiko ang lahat ng transaksyon, gastusin o expenditures sa mga programa, serbisyo at proyekto para maipatupad ang transparency at accountability.”

Dagdag niya na mapapalakas pa ang direktiba ng Department of Interior and Local Government sa mga LGU’s na isapubliko sa pamamagitan ng websites at community billboard ang mga mahahalagang impormasyon na nais malaman ng mga mamamayan.

Sinabi ni Congressman Tanada na kung maisabatas ito, may karapatan na ang mga mamamayang humingi ng anumang impormasyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno pati ang mga LGU’s lalo na ang tungkol sa mga transaksyon o gastusin at pondo ng mga proyekto kabilang na ang mga Priority Development Assistance Fund. “May pananagutan ang sinumang opisyal ng gobyerno kung ipagkait nilang ipagkaloob ang hinihinging mahalagang impormasyon ng sinumang mamamayan,” idinagdag niya.(ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s