Tagalog news: DepEd-Ilocos Norte nakahanda na sa balik-eskuwela

LUNGSOD NG LAOAG, May 29 (PIA) — Nakahanda na ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa Ilocos Norte para sa nalalapit na balik-eskuwela ng mga mag-aaral sa probinsya, ayon sa assistant superintendent ng DepEd-Ilocos Norte na si Trinidad Madamba.

Sinabi ni Madamba, puspusan ang paghahanda ng mga kaguruan sa Ilocos Norte para sa maayos na pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral sa hayskul at elementarya dito.

Sa katunayan, noong pang buwan ng Enero ay nagsagawa na sila ng “campaign for enrolment” kung saan, ang mga guro kasama ang mga opisyal sa bawat barangay ay nagsagawa ng paglilibot para tukuyin ang mga kabataang hindi nag-aaral o out-of-school-youth (OSY) at hikayatin itong pumasok sa nalalapit na pasukan.

Sa kampanyang ito, nagsagawa ng “educational mapping” ang mga guro para matukoy ang mga OSY sa bawat barangay. Pagkatapos ay pumupunta sila sa mga bahay ng mga ito para kausapin ang mga magulang, at hikayatin naman ang mga kabataan na pumasok sa paaralan.

Ito, ayon kay Madamba, ay hakbang ng gobyerno para mabawasan o tuluyang mawasak ang pagkakaroon ng mga OSY sa bansa alinsunod sa adhikain nito sa edukasyon sa pag-abot ng Millennium Development Goals (MDGs).

Patuloy din ang pagsasagawa ng “Brigada Eskuwela” sa mga paaralan dito. Kung saan ang mga pampublikong paaralan sa Ilocos Norte na binubuo ng 55 na hayskul at 344 na elementarya ay nakibahagi sa programa.

Ang Brigada Eskuwela ay isang bayanihan sa pagitan ng mga guro, mag-aaral, at mga mamamayan ng komunidad para sa paglilinis, pag-aayos, at paghahanda ng paaralan sa kanilang mga salid-aralan at pagkukumpuni ng anumang sira nito.

Nagsagawa na din ang DepEd ng seminar para sa mga guro, kung saan tinalakay ang pagpapatupad ng bagong kurikulum na K to 12. Ang bagong kurikulum ay nakatakdang ipatupad sa pagsisimula ng taong akademiko 2012-2013.

Pinaalalahanan din ni Madamba ang mga magulang at mga mag-aaral na walang kailangang bayaran sa pag-eenrol para sa opisyal na pagsisimula ng pasukan sa darating na ika-4 ng Hunyo. (ANL/CJD-PIA 1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s