Tagalog news: Magsasaka, tuturuan ang paggamit ng ‘biotechnoilogy’

LUNGSOD NG LAOAG, Mayo 29 (PIA) — Ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at Bitechnology Coalition of the Philippines (BCP) ay magsasagawa ng seminar tungkol sa ‘biotechnology’ bukas sa University Training Center (UTC) sa Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos.

Ang “Seminar on Modern Agriculture Biotechnology” ay naglalayong magbigay kaalaman sa mga magsasaka para sa mas makabagong paraan ng pagtatanim gamit ang tinatawag na ‘Biotechnology’.

Ang ‘biotechnology’ ay anumang proseso na gumagamit ng buo o bahagi ng isang buhay na organismo upang makalikha ng bagong produkto, o di kaya ay upang paunlarin ang halaman, hayop, at ibang organismo para sa isang tiyak at eksaktong gamit.

Base sa mga pag-aaral, ito ay makatutulong sa pagpapayaman at pagpapayabong ng mga produktong agrikultura gaya ng palay, mais, at iba pang mga gulay.

Ayon kay Abraham Manalo, kalihim ng BCP, ang modernong biotechnology ay nakapagbibigay ng mas magandang pagkakataon sa mga magsasaka para mas lalong umunlad ang agrikultura sa bansa.

“Naniniwala kami na ang ligtas at responsableng pagsasagawa ng ‘biotechnology’ ay makatutulong sa pag-abot ng mga adhikain ng ating bansa tungo sa Millennium Development Goals (MDG) “ dagdag pa ni Manalo.

Kabilang sa mga paksang tatalakayin sa nasabing seminar ay ang mga sumusunod: Overview of Biotechnology ang Ensuring the Safety of Biotech Crops, The Regulation of Biotech Crops in the Philippines, Presentation for Golden Rice Project: A Biotechnology Initiative for Nutrition.

Inaasahan na dadalo sa seminar ay mga kinatawan mula sa Ilocos Agriculture and Resources Research and Development Consortium (ILLARDEC), Irrigators Association, National Tobacco Administration (NTA), Department of Agriculture- Ilocos Norte Provincial Center (DAINPC), Cotton Development Authority (CODA), Department of Education (DepEd), at Office of Provincial Agriculture (OPAG). (ANL/CJD-PIA1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s