Tagalog news: ‘People’s Day’ muling isinagawa ng lokal na pamahalaan ng San Fernando

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 25 (PIA) — Sa pangatlong pagkakataon mula noong ito’y inilunsad nitong Abril, muling nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando ng ‘People’s Day’ noong Mayo 23 sa District XII na may sakop na anim na barangay.

Ito’y kinabibilangan ng barangay Apaleng, Bangbangolan, Bacsil, Baraoas, Calabuyao, at Puspos.

Tulad ng rati, sari-saring serbisyo ang ipinagkaloob sa kanila upang tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan lalong-lalo na sa aspetong pangkalusugan.

Libreng pagtutuli, pagpapabunot ng ngipin, pagsusuri ng ihi at pagbibigay ng pangunahing gamot tulad ng anti biotics at bitamina, ang ilan sa mga naging tampok sa programa.

Mayroon din pangongolekta ng mga plastic at babasagin na bote para sa “Palit Basura sa Store ni Pablo.”

Hindi naman nagpahuli ang mga kawani ng naturang pamahalaan na magbigay inpormasyon sa mga nakakatanda hinggil sa agrikultura, kalusugan, kapaligiran, lupaing ari-arian at maging sa ordinasang higgil sa business and individual permits, sanitary permit, fire clearance at iba pa.

“Maragsakan kami la unay ta maikaited daytoy a serbisyo ti tulong kadakami nangnangruna iti naduma-duma nga ag-agas nga maipaay para dagiti masaksakit ditoy ayan mi (Lugod kaming nasisiyahan dahil ang mga serbisyong ito ay makapagbibigay sa amin ng tulong lalong-lalo na sa mga gamot para sa mga maysakit dito sa amin),” ani ni Marites Casugay, isang maybahay at residente ng barangay Bangbangolan.

Namigay ang mga opisyales ng lokal na pamahalaam ng computers, kagamitan sa eskwela, citizenz’s charter at higit sa lahat isang daang libong piso bawat barangay nang sa ganun may magagamit sila sa pagsaaayos at pagkukumpuni ng kanilang mga entablado.

Mula sa isang Talakayan’na ginanap rito na kasali ang Philippine Information Agency at DZNL Aksiyon Radyo, nailabas at nabigyan pansin ang hinaing ng ilang barangay.

Ilan lamang sa mga problemang nabangggit ng barangay Baraoas at Calabugao ay patungkol sa pagsasaayos ng pagkakaroon ng scholarship program para sa mga mahihirap sa kanilang lugar, farm to market road at footbridge at bubungan ng kanilang court.

Sanhi nito, siniguro ng Alkalde ng lungsod na si Pablo C. Ortega na pagsisikapang lutasin ang isa sa mga hinaing ng bawat barangay ngayong taon.

Kapwa pinasalamatan din niya ang buong kasapi nito dahil sa kanilang suporta sa People’s Day at inanunsiyong sa district VIII, Hunyo 22 ang susunod na pagsasagawa ng programa. (ANL/MHH-PIA 1, La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s