Tagalog news: Pagsusulit para sa career service eligibility idaraos sa Mayo 27

LUNGSOD NG DAGUPAN, Mayo 25 (PIA) — Isasagawa sa Mayo 27 sa lungsod ng Dagupan at Urdaneta ang pagsusulit sa “career service professional” at “sub-professional” na pangungunahan ng Komisyon sa Serbisyong Sibil o Civil Service Commission.

Ang mga makakapasa sa pagsusulit ay mabibigyan ng “certificate of eligibility” na kailangan upang maging regular na empleyado ng pamahalaan. Kasabay ng “eligibility” ay ang kaukulang edukasyon, karanasan at kasanayan ng isang tao upang siya ay maging permanente sa trabaho sa gobyerno.

Bilang paghahanda sa pagsusulit, mainam na pag-aralan ang “vocabulary,” “grammar” at “correct usage,” “paragraph organization,” “reading comprehension” at “numerical reasoning.” Ang mga araling ito sa Ingles at Filipino ay lalabas sa pagsusulit, “professional” o “sub-professional” man na lebel.

Bukod sa mga nabanggit, mayroon ding “general information” kung saan kabilang ang “Philippine Constitution,” “code of conduct and ethical standards for public officials and employees” o ang R.A. 6713, “peace and human rights issues and concepts” at “environment management and protection.”

Karagdagang ibibigay sa “professional” na lebel ang “analogy” at “logic” samantalang “spelling” at mga “clerical operation” naman ang para sa “sub-professional” na lebel.

Pinapaalalahanan ang lahat ng mga kukuha ng pagsusulit na dalhin ang mga sumusunod sa darating na linggo: “application receipt” o “notice of school assignment”; lapis na bilang 1 o 2 at pambura; itim o asul na ballpen; at ang “valid ID” na isinumite nang magproseso ng aplikasyon.

Paunawa pa ng CSC sa mga hindi makakadalo sa pagsusulit na ang halagang kanilang ibinayad ay hindi na ibabalik at kasabay pang mawawala ng kanilang pagkakataon na kumuha nito. Hindi rin papayagan ang anumang hiling na ilipat ang petsa ng pagkuha ng eksam.

Pinapayuhan naman ang mga mag-ieksam na magsuot ng angkop na kasuotan. Ipinagbabawal na sila ay naka-sando, “shorts” at tsinelas sa araw ng eksaminasyon. Ipinapaalam din ng CSC na papatawan ng karampatang parusa ang sinuman na mahuhuling mandaraya sa pagsusulit. (JCR/AMM-PIA 1 Pangasinan kalakip ang ulat mula sa Komisyon sa Serbisyong Sibil)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s