Tagalog News: Mga pampublikong paaralan sa La Union lumahok sa Brigada Eskwela 2012 – DepEd

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 25 (PIA) — Nakilahok sa programang “Brigada Eskwela” ang 308 na pampublikong paaralan sa elementarya at 79 na sekondarya na sumasailalim sa sangay o Dibisyon ng La Union, maging ang mga 26 na elementarya at limang paaralan sa sekondarya ng dibisyon ng Departament of Education (DepEd) ay .

Ito ay ayon kina Dr. Marlon Canave, ang Planning Officer ng DepEd sa dibisyon ng La Union at Dr. Jose Mari Almeida, Education Supervisor at Brigada Eskwela Coordinator mula sa Dibisyon ng San Fernando.

And Brigada Eskwela ay isang programang pagtutulungang inilulunsad taun-taon na pinangungunahan ng DepEd sa kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan, kapulisan, non-government organizations (NGO), pribadong sektor, mga magulang, at estudyante upang ihanda ang mga silid-aralan sa pagbubukas na muli ng klase.

Ngayong taon ay sinimulan ang programa noong ika-21 ng Mayo sa pamamagitan ng isang motorcade paikot ng lungsod sa ganap na alas-siyete ng umaga, ito’y pinangunahan ng pangalawang punong-panglungsod ng San Fernando na si Hermenigildo Gualberto.

Sinundan ito ng ribbon-cutting sa South Central School na pinangunahan nina Mayor Pablo C. Ortega, at ang Punong-Panrehiyon o Direktor ng DepEd 1 Teresita Velasco at tuloy-tuloy na sa pagdaraos ng isang programang paglulunsad.

Ang South Central School na matatagpuan sa Baranggay Tanqui, dito, ay naturan bilang nag-iisang paaralan sa lungsod na nagawaran ng Akreditasyon para sa Pampublikong Paaralan sa Elementarya.

Bilang bahagi pa rin ng programa ay nagsagawa ng aktuwal na pagbisita sa iba’t-ibang paaralan ang mga Education Supervisors at mga pangunahing opisyal ng DepEd na pinangunahan ni Direktor Velasco, partikular sa mga paaralang nasa mga bulubundukin at maging sa mga nasa kalapit na mga bayan.

Bukod sa mga pangunahing tagapagpaganap at benepisyaryo ay mayroong naitala ang DepEd na 620 na nakilahok mula sa iba’t-ibang sektor na kinabibilangan ng mga opisyal ng baranggay, Guardian Brotherhood, City Savings Bank, Jollibee Foods, Thunderbird Hotel and Resort, Petron Corporation, at mga imbitadong school governing councils na binubuo ng mga punong-guro, asosasyon ng mga magulang at guro, organisasyon ng mga student leader, mga pinuno ng organisasyon ng edukasyong pang-komunidad sa mga barangay.

Iba’t-ibang mga aktibidades ang isinagawa gaya ng pagpapabago ng estruktura ng mga silid-aralan, paglilinis, pagpapalit ng mga kasangkapan sa bawat silid-aralan, pagpipintura, at pag-aayos ng mga sirang upuan, lamesa, maging mga bubong.

Ipinaalam pa ni Almeida na dahil sa Brigada Eskwela na isang napakagandang aktibidad ng pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan nang boluntaryo o walang bayad ay nakaipon sila ng P4.6 milyon.

Dahil dito ay nagsasagawa taun-taon ang DepEd ng isang paligsahan ng mga paaralan nang may pinaka-maganda at may pinaka-epektibong implementasyon ng programa bilang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa bawat tulong na naidudulot ng mga ito sa ikagaganda ng programa na kung saan ay nagawaran ng parangal sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon (2008-2010). Ang Dr. Quintin Balcita National High School sa Baranggay Mameltac at noon ngang nakaraang taon ay naging “Hall of Famer” ito sa nasyonal na antas.

Natutuwa kami makita na taun-taon ay dumarami ang nakikilahok sa Brigada Eskwela at napatunayan din naming magpahanggang-ngayon ay umiiral pa rin ang Bayanihan hindi lamang sa lungsod ng San Fernando, maging sa lalawigan, rehiyon, at sa buong bansa, dagdag pa ni Almeida. (ANL/MPA-PIA 1 La Union)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s