Tagalog News: LUPPO lumahok sa ‘Brigada Eskwela’ ng DepEd

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 26 (PIA1)—Ang La Union Provincial Police Office (LUPPO) ay nakilahok sa paglulunsad ng ‘Brigada Eskwela’ ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd nitong Lunes kasama ang ibang miyembro ng komunidad rito.

Sinabi ni Police Chief Inspector Marlon Paiste sa isang panayam na ito’y bilang suporta sa programa ng DepEd bilang na layong matiyak na ang mga kagamitan sa pampublikong paaralan ay nasa ayos bago magsimula ang pasukan sa Hunyo 4 at bilang sagot sa hiling ng iba’t-ibang principal ng paaralan na sila’y tulungan ng LUPPO sa naturang aktibidad.

Umabot sa labing tatlong kapulisan ng LUPPO at pito hanggang siyam na pulis mula sa San Fernando Police Station ang naikalat sa mga pampublikong paaralan sa probinsiya para tumulong sa pagkukumpuni at pagpipinta ng upuan, lamesa at dingding gayundin sa paglilinis ng bubong, dagdag ni Paiste.

Pinaliwanag rin niya na walang malaking problema na naranasan sa Brigada, maliban sa kawalan ng mga materyales na ginagamit sa pagtatanggal ng damo at pagpuputol ng kahoy tulad ng chainsaw. Ang Brigada ay magtatapos sa Biyernes, Mayo 25.

Tiniyak ni LUPPO Provincial Director Ramon Purugganan sa “Danggayan” radio program sa DWLU dito sa syudad na muli nilang palalawakin ang pwersa ng kapulisan sa probinsiya upang maiwasan ang trapiko sa darating na pasukan.

Ang Brigada Eskwela, kilala bilang National Schools Maintenance Week ay taunang aktibidad ng DepEd kasama ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, non-government organizations, Philippine National Police at iba pang miyembro ng komunidad.(JCR/MHH-PIA1)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s