Tagalog News: Kampanya laban sa droga, pinaigting sa Ilocos Sur

CAMP ELPIDIO QUIRINO, Bantay, Ilocos Sur, May 28 — Maigting na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga nagtutulak at gumagamit ng droga kabilang na ang mga nagtatanim ng marihuana sa mga kabundukan sa Ilocos Sur para maprotektahan ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan.

Ito ang direktiba ni Police Sr. Supt. Noel Amoyen, acting provincial director ng PNP, sa lahat ng hepe ng pulis sa 34 na bayan na kinabibilangan ng Heritage City ng Vigan at lungsod ng Candon, “para malabanan ang mga drug pushers na itinuturing na salot sa llipunan.”

Iniutos ni Supt. Amoyen sa mga pulis na patindihin ang mobile at foot patrol sa mga barangay kabilang na ang mga pampublikong lugar tulad ng mga beach resorts, hotels , restaurants, paaralan, at manmanan ang mga suspek na drug personalities na naitala sa report ng PNP.

Sa magkasanib na puwersa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kabilang na ang mga boluntaryong mamamayan mula sa mga grupo sibiko at mga barangay tanod, pinalawak ang kampanya laban sa iligal na droga sa lahat ng barangay sa pakikipagtulungan na rin ng lahat ng sector ng lipunan.

Ipinapatupad na rin ang Integrated Patrol System sa pamamagitan ng pagtatayo ng checkpoints tulad ng nasa Tagudin kung saan pumapasok ang mga sasakyan mula sa Metro Manila at karatig probinsya; sa Sinait na dinadaanan ng mga galing sa Cagayan, Isabela, at Ilocos Norte; at sa Narvacan kung saan dumaraan ang mga sasakyang galing sa Abra at Cordillera.

Maigting din ang pagpapatroloya ng PNP sa mga kabundukan lalo na sa boundary ng Ilocos Sur at Benguet dahil dito itinatanim ang mga marihuana. Sa katunayan, marami na ang nakumpiska at sinunog ng mga alagad ng batas.

Samantala, inihayag ni Bise Gobernador Deogracias Victor (DV) Savellano na marami na ring fully grown marijuana ang nakumpiska ng PNP sa kabundukan ng nayon ng Sugpon ngunit wala namang naarestong dito. (ANL/BPP-PIA, Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s