Tagalog News: DepEd sinubaybayan ang Brigada Eskwela sa Ilocos Norte

LAOAG, Ilocos Norte, Mayo 27 (PIA) — Naglibot sa ilang mga pampublikong paaralan ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) sa rehiyon ng Ilocos noong Biyernes, ika-25 ng Mayo para tingnan ang isinasagawang Brigada Eskwela sa Ilocos Norte.

Ang Brigada Eskwela ay isang bayanihang programa ng DepEd kung saan hindi lamang mga guro at kawani ng DepEd ang mag-aayos, maglilinis, at magpapaganda ng mga paaralan kundi pati na din ang mga magulang, mag-aaral, non-government organizations, at ordinaryong mamamayan. Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Ilan sa mga paaralan na pinuntahan ng mga opisyal ay ang Solsona National High School, San Nicolas National High School Annex, at ang Batac National High School para sa mataas na paaralan at ang Bingao Elementary School at Sarrat North Central School para naman sa elementarya.

“Sa pag-inspeksyon at pagmonitor, binigyan ng parangal ng DepEd ang Best Implementor of Brigada Eskwela,” sabi ni Trinidad Madamba, DepEd-Ilocos Norte assistant superintendent.

Itinanghal na nagwagi sa naturang parangal ang Sarrat North Central school para sa elementarya at ang San Nicolas National High School Annex para sa mataas na paaralan.

Ang mga nasabing paaralan ay lalahok sa pambansang patimpalak ng Best Implementor of Brigada Eskwela. (JCR/CPC-PIA1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s