Tagalog News: DepEd, CSOs lumagda ng Budget Agreement sa unang pagkakataon

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 24 (PIA) — Isang Budget Partnership Agreement (BPA) ang nilagdaan sa unang pagkakataon ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd 1 at Civil Society Organizations (CSOs) bilang tugon sa nais ng administrasyon ni Pangulong Aquino na pagtibayan ang democratic institutions sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga tao para maitaguyod ang prinsipyo at kasanayan ng good governance,.

Isinagawa kamakailan ang agreement sa isang consultation meeting sa DepEd 1 na pinamunuan ng dating regional director na si Ligaya Soledad T. Miguel at 14 na kinatawan ng CSOs alinsunod sa National Budget Circular 536.

Ang BPA ay isang pormal na kasunduaan na tumutukoy sa pagganap, tungkulin, pananagutan, schedule, mithiin, at limitasyon hinggil sa pagpapatupad ng partisipasyon ng CSOs sa paghahanda, pagsasagawa, pagsusubaybay, at pagsusuri ng pondo.

Ayon kay Chief Education Supervisor ng DepEd 1 Elementary Division Vivian Luz S. Pagatpatan, ang CSOs ay handang sumuporta sa mga programa, aktibidad, at proyekto ng DepEd 1 tulad ng feeding program.

Ang pagsali ng mga organisasyong ito sa preparasyon ng pondo ay nagpapakita ng pangako ng Department of Budget and Management o DBM upang makahimok ng partisipasyon ng mamamayan sa pagproproseso ng pondo bilang isang paraan ng pagpapabuti sa transparency at accountability para sa alokasyon at paggamit ng pampublikong pondo.

Ilan sa mga CSOs na nagbigay ng pagsang-ayon sa BPA ay sila Roberto A Delos Reyes ng Region 1 Association of Non-Government Organizations, Judge Joven Costales ng Regional Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Gelene C. Aquino ng National Youth Federation for Peace and Progress, Miraflor M. Mavroukakis ng Northern Luzon Mother and Child’s Care, Inc., George P. Ominaldo na siyang Vice President ng External Pollution Control Association of the Philippines-R1, Mario Zamoranos ng Lion’s Club International, Lt. Col. Sinfroso M. Dumling ng Bago National Cultural Society of the Philippines, Inc., at iba pa. (ANL/MHH/Vivian Luz S. Pagatpatan/may kaakibat na ulat mula sa DepEd1- PIA1 La Union )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s