Tagalog News: 4,000 trabaho binuksan sa Ilocos Norte job fair

LAOAG, Ilocos Norte, Mayo 27 (PIA) — Mahigit sa 4,000 trabaho ang binuksan noong Biyernes, ika-25 ng Mayo, sa Centennial Arena ng Ilocos Norte para sa isinagawang panlalawigang job fair dito.

Ayon kay Eric Pascua ng Provincial Public Employment Service Office (PESO), ang mga bakanteng posisyon ay pawang bukas para sa mga propesyunal, vocational, teknikal, at maging mga nakatapos ng hayskul.

Mahigit 2,000 trabaho para sa lokal na mapapasukan ang bakante, samatalang tinatayang 2,000 din naman ang para sa ibang bansa.

“Dinaluhan ng pitong overseas employment recruitment agency ang job fair, karamihan sa kanila ay trabaho para sa Middle East, 33 lokal na kumpanya ang magbubukas ng trabaho para sa mga lokal,” sabi ni Pascua.

Ang mga trabahong bakante para sa ibang bansa ay drayber, welder, electrician, pipe fitter, nurse assistant, electrical engineer, fabricator, cook, at iba pa.

Karamihan naman sa mga trabahong bukas para sa lokal ay call center agent, sales agent, IT professional, administration, finance personnel, accounting personnel, at marami pang iba.

Dumalo din sa job fair ang iba’t ibang mga kinatawan ng ahensya tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Agency (POEA), Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para tumulong sa mas mabilis na pagproseso sa mga aplikante.

Ang job fair ay pinagtulungang itaguyod ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte at ng ABS-CBN television network. (JCR/CJD-PIA1, Ilocos Norte)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s