Tagalog News: 16,000 na maralitang pamilya, natulungan ng Community Service sa Vigan

LUNGSOD NG VIGAN, Mayo 25 (PIA) — Nakatutok ang pamahalaan ng Ilocos Sur sa Community Service Program na kung saan natulungan ang 16,000 pamilya na mula sa mga itinuturing na pinakamahirap sa Heritage City.

Iniutos ni Gob. Luis “Chavit” Singsong na paigtingin ang programang ito sa mga liblib na pook para matulungan ang mga maralitang pamilya at mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Sa inilunsad na Community Service sa Vigan, napagkalooban ng bigas, noodles, sardinas, bag, at wall clock ang 16,000 miyembro ng mga mahihirap na pamilya na inirekomenda ng mga Barangay Kapitan at Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni Singson na ipinapatupad ang nasabing programa upang matulungan ang mga pamilyang ito hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi sa pang-araw-araw upang magsilbing “Pantawid Gutom” sa mga pinakamahirap sa 34 na bayan kabilang na ang Heritage City at lungsod ng Candon.

Maliban sa programang ito, tuloy-tuloy din ang paglulunsad ng Kapitol Outreach Program sa mga upland towns o bulubunduking pook at mga lugar na malapit sa dagat na ipinamimigay ang mga programa at serbisyo ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa programang ito naipaparating ng mga mamamayan ang kanilang mga karaingan, pangangailangan at mungkahi para mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Sinabi ng gobernador na ang mga programang ito ng gobyerno ay alinsunod sa adhikain ng Millennium Development Goals (MDGs) ng United Nations na labanan ang kahirapan at kagutuman para mabawasan ang bilang ng mga mahihirap sa 2015.

Samantala, inihayag ni Dante Tacata, tagapagsalita ng Office of the Governor, na tuloy tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya sa lalawigan “dahil ang mga poorest of the poor, kabilang ang mga marginalized farmers at fisherfolk, ang prayoridad ng pamahalaan.” (ANL/BPP-PIA 1, Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s