Planning-workshop para sa proyektong CARE, isinagawa

LUNGSOD NG LAOAG, May 25 (PIA) — Isang planning-workshop ang isinagawa noong martes para sa pagsasakatuparan ng proyektong Communities Against Rabies Exposure o CARE sa Ilocos Norte.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya sa probinsya na magsisilbing katuwang ng lokal na pamahalaan, kasama ng Global Alliance for Rabies Control (GARC) sa pagpapatupad ng programa kontra-rabies sa buong probinsya.

Sa ilalim ng temang “Communities working together for a Rabies-free Ilocos Norte”, layon ng programa na gawing malinis at malayo sa rabis ang mga alagang hayop sa Ilocos Norte sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kampanya laban dito.

Sa isinagawang pagpaplano, tinukoy ng mga dumalo ang mga pangunahing kliyente na pagtutuunan ng pansin sa kampanya. Pati na din ang pagsasagawa ng mas komprehensibong paraan para sa pagsugpo sa nakamamatay na rabies.

Tinalakay din ng mga kinatawan ang posibleng pagdaragdag sa kurikukum ng mga nasa antas elementarya at sekundarya sa DepEd ang mga paksa sa rabies at tamang pag-aalaga sa mga hayop. Ang paraang ito ay para sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga kabataan sa panganib na dulot ng rabies sa komunidad.

“Napakahalaga na malaman ng mga tao ang panganib na dulot ng pagkakaroon ng rabies sa mga alagang hayop. Una ay para mailayo sila sa disgrasya na maaaring humantong sa kamatayan, at pangalawa ay para matutunan nila ang tamang trato sa mga alagang hayop,” sabi ni Dr. Loida M. Valenzuela ng Ilocos Norte Veterinary office.

Nauna nang nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte sa pakikipagtulungan ng GARC ng isang Rabies Summit sa probinsya, kung saan nagkaroon ng paglalagda sa kasunduan o MOA ng nasabing proyekto sa pagitan ng Global Alliance at ni Ilocos Norte Gov. Imee R. Marcos.

Kabilang sa mga dumalo sa planning-workshop ay ang mga kinatawan mula Provincial DepEd, kinatawan ng DepEd mula sa mga lungsod ng Batac at Laoag, at kinatawan mula Philippine Information Agency (PIA).

Pinangunahan naman ito ng Asia community education head ng GARC na si Bb. Elaine Llarena at ng Provincial Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Loida M. Valenzuela. (JCR/Cherry Joy Discaya-PIA 1 Ilocos Norte)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s