Di pa panahon ng tag-ulan, ayon sa PAGASA

LUNGSOD NG DAGUPAN, Mayo 25 (PIA) — Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan halos gabi-gabi, ang panahon ng tag-ulan ay hindi pa opisyal, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa panayam kay Greg De Vera, hepe ng PAGASA sa Pangasinan, sa isinagawang KBP forum sa tanggapan ng Philippine Information Agency noong Huwebes, kanyang sinabi na ang pagdedeklara ng simula ng tag-ulan o rainy season ay base sa pamamaraan na mayroong lima sa pitong field stations ng PAGASA sa buong bansa ang magrerehistro ng dalawampu’t limang milimetro (25 mm) ng ulan sa loob ng limang araw.

“Sa ngayon, hindi pa opisyal ang panahon ng tag-ulan ngunit malapit na itong ideklara dahil ang mga senyales ay nararamdaman na,” sabi ni De Vera

Aniya, ang tag-ulan ay maaring madeklara bago matapos ang buwan ng Mayo o sa umpisa ng buwan ng Hunyo, at magpapatuloy hangang Hulyo at Agosto.

Ang kondisyon ng panahon ngayon ay normal at walang banta ng El Nino o La Nina, dagdag niya.

Ang mga nararanasang malalakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat ay bunsod ng habagat, sabi ni De Vera.

Sinabihan niya ang publiko na mag-ingat sa nga kulog at kidlat at gawin ang mga nararapat tulad ng pag-alis sa saksakan ng mga appliances, paglayo sa mga open fields at mga lugar na may tubig.

Ang mga bahay na gawa sa mahinang materyales o mga nangangailangan ng pagsasayos ay kailangang isaayos na ngayon upang hindi magkaroon ng suliranin pagdating ng tag-ulan.

Ani De Vera, minimithi ng PAGASA ang ‘zero casualty’ pagdating ng tag-ulan kaya puspusan ang kanilang pagpapaalala sa publiko. (JCR/VHS-PIA 1 Pangasinan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s