Tagalog News: Mga problema ng senior citizens sa Rehiyon 1 tinalakay sa pulong

LUNGSOD NG LAOAG, May 24 (PIA) — Nagsama-sama kamakailan ang iba’t-ibang sangay ng pederasyon ng mga matatanda ng rehiyon 1 sa Lungsod ng Laoag sa Ilocos Norte para sa kanilang regular na pagpupulong tuwing ikatlong buwan.

Sinabi ni Perlita Cabello ng lokal na tanggapan ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad o DSWD sa lungsod, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang ilang mga isyu na kinakaharap ng mga matatanda.

“Napag-usapan ang mga isyu kagaya ng pagkakaroon ng iisang ID para sa mga senior citizens na miyembro ng mga pederasyon. Ito ay bukod pa sa Senior Citizen ID na ibinibigay ng DSWD,” sabi ni Cabello.

Tinalakay din ang palagiang problema ng mga matatanda. Halimbawa nito ay ang hindi pagbibigay 20 porsiyento na diskwento para sa mga gamot ng lahat ng botika sa mga probinsiya sa mga senior citizens, kahit pa ito ang sinasabi sa batas at isa ito sa mga reklamo ng mga matatanda na dapat ayusin, paliwanag pa ni Cabello.

Bukod dito ay napag-usapan din ang ilang mga programa para sa mga senior citizens kagaya ng Food for Work at ang pagpapanatiling maayos ng mga Senior Citizens Center.

Sa nasabing pagpupulong ay ibinigay na din ang akreditasyon ng Model Senior Citizen Center ng lungsod ng Laoag.

Sa pagpupulong dumating ang mga opisyal at kinatawan ng mga sangay ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines ng Vigan at Candon ng Ilocos Sur; Urdaneta at San Carlos ng Pangasinan; San Fernando ng La Union; at Laoag; at ang mga opisyal ng DSWD. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s