Tagalog News: Bagong presinto ng pulisya pinasinayaan sa lungsod ng Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN, Mayo 23 (PIA) — Pinasiyaan ang bagong tayong presinto ng pulisya sa barangay Tapuac sa lungsod na ito noong ika-18 ng Mayo.

Naitayo ang istrukturang ito matapos imungkahi noong nakaraang taon sa KBP Forum ng pangulo ng Pangasinan Press Club (PPC) at Lyceum Northwestern University (LNU) na si Atty. Gonzalo Duque na kailangan ang isang presinto sa bahaging ito ng lungsod na kinalalagyan ng maraming paaralan.

“Ako ay nababahala noon kasi maraming ulat sa amin dito sa Tapuac na maraming insidente ng ‘petty crime’ at ‘fraternity war,'” salaysay ni Duque.

Sa tulong at suporta ng kumakatawan ng ika-apat na distrito ng lalawigan na si Georgina De Venecia, naisakatuparan ang noon ay isa lamang mungkahi at ngayon nga ay naipatayo ang presintong ito na makakatulong ng malaki upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.

Ipinahayag din ni Duque na napapanahon ang pagbubukas ng presinto para sa nalalapit na pasukan dahil tiyak na mababawasan o di kaya ay maiiwasan ang mga insidenteng maaring magdulot ng kapahamakan sa mga estudyante sa mga kalapit na paaralan at unibersidad.

Masisiguro rin ang kaligtasan ng iba pang mga establisyementong nagsisimula nang lumago rito dahil magiging kapansin-pansin sa paligid ang puwersa ng mga tagapagpatupad ng batas, dagdag niya. (ANL/AMM-PIA 1, Pangasinan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s