Tagalog news: Bagong opisina ng DepEd sa Batac, ipapatayo

LUNGSOD NG BATAC, May 22 (PIA) — Plano ngayon ng Lungsod ng Batac na magpatayo ng bagong opisina ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd division sa kanilang kinasasakupan.

Ito ay base sa resolusyon na ipinasa ng Sangguninag Panlungsod ng Batac kamakailan. Nakasaad dito ang pagtatalaga ng lokal na pamahalaan ng bagong opisina ng DepEd division sa Lungsod ng Batac gaya ng mga iba pang lungsod.

Sa pinirmahang resolusyon ng SP na ang bawat lungsod ay may karapatang magtalaga ng opisina ng DepEd division para sa pangangailangan ng mga mag-aaral at guro sa antas elementarya at sekundarya.

“Ito ay alinsunod din sa City Charter ng ating lungsod sa pagpapanitili at pagpapatayo ng mga ganitong establisyimento para sa kapakanang edukasyon ng mga mamamayan dito” paliwanag ni Batac Councilor Bisamark Quidang.

Ang resolusyon, ayon kay Quidang ay alinsunod sa DepEd order No. 50 series of 2001 noong Oktubre 21, 2002 para sa pagtatalaga ng nasabing division office sa lahat ng bagong tatag ng lungsod tulad ng Batac.

Pinahihintulutan ng nasabing resolusyon ang pakikipagkasundo ni Batac City Mayor Jeffrey Nalupta sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa pangunguna ng kanilang assistant regional director na si Dr. Teresita Velasco sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa nasabing pagpapatayo ng opisina.

Sa kasunduan, magbibigay ng tulong-pinansyal ang Lungsod ng Batac para sa pagpapatayo ng nasabing opisina at tutustusan muna nito pansamantala ang mga gastusin, kabilang na ang mga pasahod sa mga empleyadon hanggang mayroon ng nakalaang badyet ang DepEd.

Pagkakalooban din ng Lungsod ng Batac ng Deed of Usufruct para permanenteng paggamit ng lupa ng lungsod na pagpapatayuan ng DepEd division office.

Nasa proseso na ng pagtatalaga ng mga bagong manunungkulan para sa City DepEd Division office ang DepEd sa rehiyon 1, kabilang na ang itatalagang opisyal para sa nasabing opisina. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s