Tagalog News: Nagtapos ng techvoc training tutulungan ng lokal na pamahalaan

LUNGSOD NG VIGAN, Mayo 22 (PIA) — Hindi dapat mabahala ang mga nagtapos ng kursong bokasyonal, teknikal, at pati mga skills trainings sa Ilocos Sur dahil tutulungan sila ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Congressman Ryan Singson, gusto niyang matulungan ang mga mahihirap na kababayan na magkaroon ng maliit at sariling negosyo o livelihood project lalo na ang mga nagtapos ng mga kurso at pagsasanay na inilunsad ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) para makaahon sila sa kahirapan.

Sinabi ng kongresista na sa unang distrito ng Ilocos Sur, mayroong P2 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at sila ay nakipag-ugnayan na rin kay TESDA Provincial Director Joel Pilotin upang mabigyan ng ayuda ang mga nais magtayo ng mga negosyo na maaaring mapalago nila batay sa kursong natapos.

Maglulunsad din si Singson ng Jobs Fair sa darating na Hunyo 1 sa People’s Coliseum sa Sto. Domingo sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), para mabigyan ng trabaho ang mga kababayan na nagnanais magtrabaho sa iba’t-ibang panig ng bansa pati na sa ibayong dagat.

“Ito ang tugon natin sa adhikain ng Millennium Development Goals (MDG) para malabanan ang kahirapan at matulungan ang mga mahihirap na kababayan na walang hanap-buhay para umunlad ang (kanilang) pamumuhay,” dagdag ni Singson.

Samantala, naglulunsad din kamakailan ang pamahalaang probinsyal sa pamumuno ni Gob. Luis “Chavit” Singson ng mga Skills Training sa Baluarte sa Vigan tulad ng body massage at foot spa para sa mga kabataan na hindi nakapag-aral o mga out-of- school youths.

Tinutulungan din ni Gob. Singson ang mga gustong maging domestic helper, welder, at drayber sa Middle East sa pamamagitan ng pagbabayad ng lokal na pamahalaan sa kanilang placement fee sa mga recruitment agencies. (ANL/BPP-PIA 1, Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s