Tagalog News: Gob pabor sa responsableng pagmimina sa Ilocos Sur

LUNGSOD NG VIGAN, Mayo 22 (PIA) — Pabor si Gob. Luis “Chavit” Singson sa paglulunsad ng responsableng pagmimina sa lalawigan ng Ilocos Sur ngunit dapat aniya na bigyang prayoridad ng mga negosyante sa pagmimina ang pagpapatayo ng mga eskuwelahan, kalsada, at health center para sa mga mamamayan sa mga lugar na kung saan sila nagmimina.

Ito ang idiniin ni Gob. Singson sa pakikipanayam sa kanya ng medya na naganap sa Baluarte sa Heritage City.

“Nakakatulong din sa bansa ang ‘responsible mining’ ngunit bago ang pagmimina, dapat kumunsulta muna sa mga barangay, munisipyo, probinsya, at pamahalaang nasyonal,” iginiit niya “dahil kailangan ding malaman ang pulso ng taong bayan bago magbigay ng permiso ang Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB).”

Ayon kay Singson, binabalanse ng gobyerno ang kabutihang dulot ng pagmimina sa ekonomiya ng bansa at ang epekto nito sa kapaligiran.

Ayon sa gobernador, ang pagmimina ng “black sand” ay hindi natural na nasa mga karagatan kundi galing sa mga kabundukan na naaanod sa ibaba kaya dapat ipatupad ang responsible mining at sundin ng mga mining investors ang itinakda ng pamahalaan.

Ipinaalala ng gobernador na kailangan din ang “dredging” o paghuhukay sa Banaoang River sa pagitan ng bayan ng Santa at Bantay na sinang-ayunan ng MGB para hindi mabaha ang mga karatig bayan kung may bagyo.

Nagbabanta ang mga malalakas na bagyo na maaring magpabaha sa Heritage City ng Vigan, Bantay, at ang mga coastal town ng Santa, Caoayan at Sta. Catalina kung hindi mahukay ang Banaoang River, dagdag pa ni Singson.

Samantala, batay sa direktiba ni Department of Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo, iniutos ni Singson sa mga local government units (LGUs) na ihanda na ang kanilang Municipal Disaster Preparedness Plan at magbuo at magsanay na ng mga Rescue Teams na kumpleto ang kagamitan para may nakahandang tumulong sa panahon ng sakuna.

Maglulunsad din ang MGB Region 1 na pinangungunahan ni Director Carlos Tayag ng Media Forum sa Hunyo 21 sa Baluarte para maipaliwanag sa mga Ilokano ang tungkol sa mga programa ng ahensya sa pangangalaga ng kalikasan. (ANL/BPP-PIA 1, Ilocos Sur)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s