Tagalog News: 6,000 na mahihirap sa Ilocos Sur nabigyan ng PhilHealth

LUNGSOD NG VIGAN, May 22 (PIA) — Nagkaloob ang pamahalaang lalawigan ng Ilocos Sur ng mga PhilHealth memberships sa 6,000 benepisyaryo, alinsunod sa Universal Health Care at Millennium Development Goals (MDG) na ang layunin ay matulungan ang mga itinuturing na “poorest of the poor” o ang mga pinakadukhang pamilya sa bansa.

Ayon kay Gob. Luis “Chavit” Singson, tinututukan ng kanyang administrasyon ang pagtulong sa mga pinakamahirap na hindi gaanong nararating ng serbisyo ng pamahalaan kaya’t hinikayat niya ang mga barangay health workers na ilista ang mga pangalan ng mga pamilyang ito para mabiyayaan ng PhilHealth.

Sinabi din ng gobernador na nilagdaan ng lokal na pamahalaan at ng PhilHealth ang kasunduan na palawakin ang coverage ng PhilHealth sa probinsya para mas maraming matulungan.

“Kung lahat ng mga mahihirap ay may PhilHealth, wala nang hihingi pa ng panggastos ng ospital at pambili ng gamot,” idinagdag pa niya.

Iniutos din ni Gob. Singson sa mga alkalde ng 34 na bayan, kabilang na ang Heritage City ng Vigan at lungsod ng Candon, na palawakin ang masasakupan ng PhilHealth para maiparating ang mga serbisyo at programa sa lahat lalo sa mga naninirahan sa kabundukan at malapit sa dagat. (ANL/BPP-PIA 1, Ilocos Sur)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s