Tagalog news: 5 miyembro ng pulisya sa rehiyon lalaban sa ‘Search for Model PNP Families’

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 22 (PIA) — Ang Regional Search Committee (RSC) ay nakapili na ng limang miyembro ng pulisya kasama ang kanilang pamilya upang makipagtunggali sa Search for Model Philippine National Police (PNP) Families sa buong bansa bilang bahagi ng taunang selebrasyon sa National Crime Prevention Week na nakatakda nitong Setyembre.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong pagtibayin ang mga layunin ng PNP-Integrated Transformation Program sa pamamagitan ng pag-uudyok at paghihikayat ng mga law enforcers na bigyang diin at halaga ang aspetong moral transformation program ng PNP para sa mas kampante, kagalang-galang at responsibleng pwersa ng kapulisan, ayon sa kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o DILG at chairperson ng National Police Commssion (NAPOLCOM) na si Jesse M.Robredo.

Ang mga kalahok ay sina SPO4 Rodrigo N. Noe ng Aringay Police Station; SPO4 Igmedio L. Dugena ng San Fernando City Police Station; Police Chief Inspector Judy B. Calica ng Bauang Police Station; SPO3 Arcellie O. Pang-ag ng Burgos, La Union at SPO4 Elmer G. Jaramel ng Sta, Cruz Police Station.

Ang RSC ay binubuo ng Holcim Philippines Manadyer bilang chairperson, DILG at NAPOLCOM regional directors bilang co-chairpersons, kinatawan ng PNP at presidente bilang myembro ng Ilocos Sur Leaugue of Civil Societies. Ang lupon na ito ay ang siyang nagsagawa ng on-site visitation at balidasyon sa limang kalahok.

Ayon sa RSC, itong mga PNP families ay natasa at nasuri sa apat na pamantayan na kinabibilangan ng mga sumusunod: isang pamilya kung saan ang mag-asawa ay nagpapakita ng pagmamahal at respeto sa isa’t-isa; isang pamilya kung saan ang mga magulang ay nagpapakita ng pagmamahal at respeto sa kanilang mga anak; isang pamilya kung saan ang mga anak ay nagpapakita ng pagmamahal, paggalang at respeto sa kanilang mga magulang at bawat isa at isang pamilya na kung saan ang kanyang myembro ay kasali sa pangyayari sa komunidad partikular na sa community service at kapayapaan at kaayusan.

Ang mga mananalo ay mapaparangalan ng plaque of recognition at cash incentives sa National Crime prevention Week sa Setyembre.

Ang search for PNP Model Families ay proyekto ng NAPOLCOM kasama ang DILG, PNP at iba pang member –organizations ng National Crime Prevention Week Interagency Technical Working Committee. Ito’y unang inulansad noong Setyembre 1, 2011. (ANL/MHH-PIA1 may kaakibat na ulat mula sa RSC/balita.ph)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s