Tagalog news: 7 barangay binigyang serbisyo sa “People’s Day”

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 19 (PIA) — Malayo man ang daan ngunit inabot pa rin ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando ang pagbibigay ng iba’t-ibang serbisyo sa mga residente sa pitong sakop nitong barangay upang tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Sa isinagawang “People’s Day” noong ika-18 ng Mayo, bawat barangay ay napagkalooban ng benepisyo.

Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Cabarsican, Masicong, Nagyubuyuban, Pacpaco, Pao sur, Pao Norte at Sacyud.

Bahagi ng aktibidad ay ang feeding program para sa mga bata, medical mission na nagbigay ng libreng pagsusuri at konsultasyon ng ngipin, pagtutuli at pagbibigay ng mga kakailanganing gamot, kagamitang pangeskwela, pagpapalaro sa mga bata gayundin ang pagkain ng mga matatanda.

Mayroon pang naatasang mga empleyado mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod na magbigay impormasyon sa mga tao dito upang sila ay magkaroon ng kaalaman tulad na lamang sa larangang pang agrikultura, kalusugan pantao at hayop, kapaligiran, ari-arian sa lupa at iba pa.

Napagkalooban din ng P100,000 ang bawat barangay para sa pagsasaayos ng kani-kanilang mga entablado nang sa ganoon ay may magagamit sila tuwing may okasyon sa kanilang lugar.

Ito ay pinangunahan ng alkalde at bise alkalde ng lungsod na sina Pablo C. Ortega at Hermenegildo A. Gualberto gayundin ang mga sangguniang panglungsod. (ANL/MHH-PIA1 La Union)

 Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s