Tagalog news: 136 aplikante agarang nakakuha ng trabaho sa DOLE job fair

SAN FERNANDO, La Union, Mayo 19 (PIA) — Iniulat ng Department of Labor and Employment sa rehiyon ng Ilocos na 136 na aplikante ang agarang nakapasok sa trabaho sa nakaraang Labor Day Job and Livelihood Fair.

Sa isang panayam kay Jeri Dee Orate, Labor Employment Officer and Labor Communication Officer Designate ng DOLE-1, sinabi nitong mayroong 876 aplikante na nagparehistro noong job fair na ginanap kamakailan sa SM City Rosales sa Pangasinan.

Para sa lokal na trabaho, 78 posisyon ang naukupahan na kinabibilangan ng office staff o kawani ng opisina, nars ng paaralan, pharmacy assistants, call center agents, IT personnel, insurance agents at kahera.

Habang para sa overseas na trabaho, 58 posisyon na domestic helpers, factory workers, nars, computer technicians, auto mechanic, accountants, electricians at office staff ang mga trabahong nakuha.

May 17 overseas recruitment agencies at 56 na mga lokal na etablisyimento ang nakilahok sa job fair, dagdag ni Orate.

Ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Security System (SSS), PhilHealth, Pag-Ibig, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Professional Regulatory Commission (PRC) ay nag-abot ng tulong sa kani-kanilang mga kliyente.

Ang SSS ay nangasiwa sa kanilang 50 kliyente, kabilang na rito ang siyam na naghain ng kanilang aplikasyon upang maging kasapi nito.

Ang PhilHealth ay nagbigay rin ng serbisyo sa kanilang 70 rehistradong kliyente at nakatanggap ng 25 membership applications samantalang ang OWWA at POEA ay nangasiwa ng walo nilang kliyente.

Sa kabilang banda, ang PRC ay nakapagproseso ng 22 aplikasyon para sa pagsusulit, 16 na pagpapatala ng pangalan at pagpapapalit ng status ng aplikasyon gayundin ang pagpapanukala ng tatlong ID’s.

Ayon kay Grace Y. Ursua, regional director ng DOLE-1, ngayong taon ang temang “Pagtutulungan. Pagbabago. Disenteng Trabaho” ay naakma o naaayon sa Araw ng Paggawa dahil sa kontribusyon at partisipasyon ng mga ahensiya, employer at iba pang sumusuporta sa kanilng programa para matulungan ang mga tao na makakuha ng marangal at disenteng trabaho. (DOLE1/ANL/MHH-PIA1 La Union)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s