Tagalog news: DepEd naghahanda na sa pasukan para sa taong 2012-2013

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 16 (PIA) — Ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ay magsisimula nang magsagawa ng kanilang Oplan Balik Eskwela (OBE) ngayong Mayo 28 hanggang Hunyo 8 upang matiyak na walang aberya ang pasukan ngayong Hunyo 4, bilang tugon sa DepEd Memorandum No. 83 series 2012.

Ayon kay Anastacio P. Domingo Jr., Secondary Education Supervisor of DepEd 1, sila ay kasalukuyang nagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad tulad ng pagbisita sa mga kabahayan ng mga mag-aaral upang masigurong sila’y papasok ngayong darating na pasukan.

“Kami ay maghahanda ng isang linggo bago magtapos ang buwan ng Mayo para maglinis ng mga silid-aralan, bakuran, at magsagawa ng munting pagkukumpuni na kung saan ang mga magulang o myembro ng komunidad na malapit sa mga paaralan ay kasali.

Samantalang ang seminar para sa mga guro ng grade 1 at grade 7 sa pampublikong paaralan ay itinakda rin sa iba-ibang lugar dito sa rehiyon uno na nagsimula nitong buwan ng Mayo hanggang Hunyo 2 upang maihanda at maensayo ang mga guro sa K to 12 program na nabuo sa pangunguna ng administrasyon ng Pangulong Noynoy Aquino”, dagdag ni Domingo.

Aniya, ito ay naglalayong mapaghusay ang kakayahan ng bawat guro sa pagtuturo sapagka’t ito ay pinondahan ng ahensiya na kung saan kasama na rito ang kanilang board and lodging at materyales na gagamitin maliban na lamang sa kanilang gastusin sa pagbibiyahe.

Ang OBE ngayong taon ay nabuo sa pakikipagugnayan sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH), Philippine National Police (PNP), Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), at iba pang ahensiya ng gobyerno. (ANL/MHH-PIA1 La Union, DepEd)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s