Tagalog News: Responsableng pagmimina, isinusulong ng MGB

LUNGSOD NG LAOAG, Mayo 15 (PIA) — Isinusulong ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang responsableng pagmimina sa buong rehiyon ng Ilocos.

Sa isinagawang pagpupulong kasama ang ilang miyembro ng media sa Ilocos Norte kamakailan, sinabi ni Roel Collado, opisyal ng MGB sa buong rehiyon, na ang pagmimina ay isasagawa lamang kung ito ay magdudulot ng pangmatagalang benipisyo at proteksyon para sa lahat.

“Hindi basta-basta pinapayagan ang pagmimina. Dapat ito ay responsableng pagmimina, ibig sabihin, katanggap-tanggap at magdudulot ng benipisyo at kaunlaran para sa lipunan, kalikasan at ekonomiya,” sabi ni Collado.

Paliwanag ni Collado, nararapat na ang mga komunidad na magiging apektado ng pagmimina ay mabibigyan ng karapatan, kapangyarihan, at benipisyo.

“Kagaya na lamang ng mga katutubo. Hindi sila mapapaalis o mawawalan ng tirahan at kabuhayan. Una sa lahat, nararapat na ipapaalam sa kanila ang isasagawang pagmimina sa kanilang lugar at sila ay papayag nito. Kung wala nito ay hindi matutuloy ang pagmimina,” sabi ni Collado.

“Dapat din na ang pagmimina ay magdudulot ng kaunlaran sa ekonomiya at kikita ang pamahalaan na gagamitin para sa mas marami pang proyektong pangkaunlaran. Hindi din ito dapat makakasira sa kalikasan na dapat ay masilayan pa ng mga susunod na henerasyon,” sabi pa ng opisyal.

Ang pagpupulong ay isinagawa upang maliwanagan ang mga miyembro ng media ukol sa iba’t-ibang isyu sa pagmimina.

“Marami kasi ang nagpipiket at nais namin maipaliwanag sa publiko ang maraming isyu tungkol sa pagmimina. Umaasa kami na sa pamamagitan ng media ay mabibigyan liwanag ang taong-bayan,” ayon kay Collado.

Sa lalawigan ng Ilocos Norte, mayroon mga iba’t-ibang uri ng pagmimina ang isinasagawa sa mga bayan ng Sarrat, Pasuquin, Burgos, Carasi, Paoay, Bacarra, Pinili, at Currimao. (ANL/CPC-PIA1, Ilocos Norte)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s